thanks for adding this to your list! :)
*********
My eyes moved from him to the television, then back to him. Hindi ko alam kung paano ako mage-explain.
"Uh-uh..ano..", sinubukan ko talaga pero wala akong mabuong matinong statement.
Naka-tingin lang siya sa akin naghihintay ng sagot habang pinakikita sa news iyong maikling interview ng mom ko in a press conference tungkol sa pagkawala daw ng only daughter niya. Napansin ko kaagad iyong description sa may baba ng screen: "Governor Sahali's daughter, kidnapped?"
Uh, hindi ko pala nasabi sa'yo, governor ang nanay ko. She is quite a known figure, and very powerful if I may say. Kaya palagay ko you now realize kung saan nanggaling iyong kagustuhan ko na kumawala mula sa disciplinary actions niya. Sana sapat na info na yan para ma-tancha mo kung gaano siya ka-higpit sa akin.
Nagkaka-gulo iyong mga reporter, ang daming tanong. Tinitignan ko lang iyong reaksyon ng mama ko. The usual stoic face. Sayang, siguro kung kahit papaano may nakita akong bahid ng pag- aalala, baka nag-bago na iyong isip ko at tinawagan ko na siya para sabihin na okay lang ako. Pero wala.
Hindi ko nga alam kung anong purpose ng press conference na iyon, kung para ba sa akin o para pagtakpan iyong totoong storya bago pa man lumabas iyong katotohanan. Sinabi niyang na-kidnap ako kahit alam niyang lumayas naman talaga ako. Sa lahat kasi ng tao na pinamumunuan niya lahat takot sumuway pero yung anak niya nag-lakas ng loob na gawin iyon sa kanya? For sure ayaw niyang lumabas yung ganoong mga tanong. As always, ang iniisip nanaman niya eh yung sarili niya.
"Alin pa sa mga sinabi mo sa akin iyong kasinungalingan? Or rather, meron bang kahit isa manlang na may bahid ng katotohahan?", sabi niya bigla.
"Well..."
Paano ko ba sasabihin?
Hindi na ako pwedeng mag sinungaling pa, kasi kung may natitira mang nilalang na pwede kong hingan ng tulong e siya na lang yun.
"Ano?! Don't you even realize kung anong kalokohan yung ginawa mo? Lumayas ka sa niyo, tapos ngayon idadamay mo pa ako?"
Naramdaman ko iyong kaba sa boses niya, hindi ko alam kung takot para sa akin o para na rin sa sarili niya. I guess hindi niya nakakalimutan kung sino ang nanay ko, at kung ano iyong mga kaya niyang gawin.
Saka lang ako nakaramdam ng takot. Alam ni mama ang address na 'to. For sure papupuntahan niya kagad si Khalil at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pag nalaman niyang nandito ako. Worse, baka isipin niya pang may part si Khalil sa kalokohan na 'to. Ayoko naman siyang idamay. Kahit papaano gusto ko rin namang maging maayos iyong magiging paghihiwalay namin.
He sat back on the couch his hands on his head.
Ano ba Anika, say something bago ka niya palayasin dito!
"I'm sorry. Hindi ko alam na aabot sa ganito."
Ang engot ko lang nga para hindi nga maisip na pwedeng mangyari 'to.
"Really, now? Parang hindi mo kilala ang mama mo.", naka-tingin lang siya sa akin ng masama, kung hindi lang siguro ako babae sinapak na ako nito.
"Paano ngayon? Ano balak mo?"
Pinipigilan ko na lang umiyak kasi para lang talaga siyang tatay ko na pinagagalitan ako. Kaya nga ako umalis sa amin para malayo sa mama ko tapos ngayon siya naman ang magse-sermon sa akin. Pero wala naman akong choice kundi makisama.
"I need your help."
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. He stopped towering a few inches from me. So close, naaamoy ko na yung perfume na gamit niya. Parang biglang ang laki niya tignan at naka-tingala na ako't nanliliit na naka-tingin sa kanya.
"Paano kung sabihin kong ayaw ko?"
Napabunting hininga ako. Ayokong magmakaawa sa kanya at mag mukhang desperada, if only I had another choice.
"Please. Alam mong wala na akong mahihingan ng tulong.", sinabi ko na lang ng nakayuko.
Ayokong makita yung mukha niya. Paano kung i-deny niya ako at sabihing ayaw niya akong tulungan? Iiyak talaga ako...
"Get your stuff."
Napatingin ako bigla sa kanya at hindi ko na napigilang mapa-ngiti. Buti napigilan ko ang sarili ko na yakapin siya.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Shenae Grimes | as Anika |
| Joey Kirchner | as Khalil |
| Jessica Stam | as Sasha |
| Ryan McPartlin | as Garret |
| Kirsten Prout | as Tiffany |