Kabanata 43

1.9M 45.3K 26.8K
                                    

Kabanata 43

Goodbye

Niyayakap ko ang sarili ko habang tulala sa loob ng sasakyan. Hindi ako tumigil sa pagsuka kanina hanggang sa itinago ni Mia ang ibang pagkain sa drawer. Binigyan niya ako ng fries. Kumain ako ngunit nang nakita niyang gutom na gutom pa ako at inabutan niya ako ng cheese burger ay naduwal ulit ako kaya binigyan niya ako nong chicken meal.

Nakaharap siya sa akin. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan ni Kid. Naririnig ko na lang ang mga bulong ni Kid sa kanya pero binabalewala niya iyon.

“Mia, ibigay mo kay Sunny ‘yong juice.” Ani Kid habang nag mamaneho.

Matalim ang titig ni Mia sa akin. Kinagatan ko ag isa pang fries at ayokong tumingin sa kanya. Hindi ko rin naman naiwasan dahil maingay siyang tumikhim at nagsalita.

“Sunny, may sakit ka ba?” Tanong niya.

Kumalabog ang puso ko. Wala akong sakit. Iyon ang totoo. At natatakot ako sa pinag dududahan niya ngayon. Inisip ko ‘yong iilang beses naming ginawa ni Rage at pare parehong walang proteksyon iyon. Hindi ko naman talaga inisip na kailangan mag karon ng ganon, e. Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan nito.

“Oo. Masakit ang ulo ko.” Sambit ko nang matigil na siya.

Inilahad niya sa akin ang pineapple juice ngunit di niya parin ako tinitigilan sa kanyang mapanuring titig. Nangingilid ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ako nagpahalata na maging ako ay nag aalala.

“Nahihilo ka?” Tanong ni Mia, nanunuri parin.

Nilingon ko siya. “Hindi. Gutom lang talaga.”

Kumalabog ang pintuan ng sasakyan ni Kid dahil sa sabay nilang paglabas na dalawa. Binuksan ni Kid ang pintuan ko. Lumabas naman agad ako at narinig ko ang mga utos ni Mia sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sila na nga. Hindi ko alam kung paano nangyari o totohanan ba ito pero sa pagiging masyadong pamilyar ng dalawa ay tingin ko lumalalim na ang kanilang relasyon.

“Ihatid mo na siya sa taas. Ako na bahala sa gamit niya.” Ani Kid habang kinukuha ang mga maleta ko sa likod ng kanyang sasakyan.

Tumunganga pa ako doon para panoorin ang pagkuha niya. Hindi ako sanay na may ibang taong nag bubuhat nito pero hinigit ako ni Mia patungong elevator.

Mabilis niyang pinindot ang buton at alam ko na agad na wala siyang planong hintayin si Kid para mapag isa kaming dalawa. Humalukipkip siya at nilingon ako, seryoso ang mukha.

“May proteksyon ba kayong ginamit habang... you know... nasa kama?” Aniya.

“Mia naman.” Nag iwas ako ng tingin.

Bumuntong hininga siya. “Anong ‘Mia naman’? Mag pakatotoo tayo, Sunny. Naduduwal ka!” Aniya

“Hindi naman ibig sabihin na naduduwal ako ay buntis na agad ako! Mia, naka ilang babae na si Rage, ngayon lang ba siya magkakamali?”

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon