Chapter 1

513K 9.1K 1.1K
                                    

I stared at the man of my dreams as his mouth spurted words that would forever haunt my mind. Ang layo ng nilakbay ko makapiling lang s'ya. Gan'un ako katanga. Gan'un ako nagpakatanga.

"Greeney, this isn't working," he said as I continued to gawk at him.

What isn't working? I wanted to ask. I, Gianna Renée de Santiago, traveled all the way from Cebu to be with him only to be told that it was no longer working.

Lakas makagago ng loko.

"Not working agad-agad kasi nandito na ako? Unang araw pa lang nating magsasama sa Diliman ngayon tapos bubungaran mo ako ng not working na 'yan?!"

"Greeney—"

"May iba ka ba?" I asked, my heart twitching unpleasantly inside my chest. Hindi s'ya sumagot but he bowed his head in guilt and I felt my anger surge.

"Sorry..." he said.

Nanginig ako sa galit. Nanlambot ako sa inis. Pero, may magagawa ka pa ba kung ayaw ng tao sa'yo?

"Leche ka," I heard myself murmur as I closed my eyes tight. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap n'ya at ayokong ipakitang nasasaktan ako. "Kailan pa?"

"Last month lang. She's a member of the sorority that my frat's affiliated with—"

"May frat ka?!" I demanded angrily. "Kailan mo balak sabihin sa akin ang lahat ng 'to?!"

"Greeney, don't make this difficult for me." He sighed.

I wanted to grab him by the hair and slam his head against the concrete post. Difficult for him? Pesteng 'to! Ako na nag-transfer pa from U.P. Cebu to U.P. Diliman para makasama lang s'ya ay hindi nagrereklamo tapos s'ya itong may karapatang magsabing I shouldn't make it difficult for him?!

"Difficult for you, Albert?" I asked, my voice tinged with disbelief. "Hindi ba isang taon natin 'tong plinano? Hindi ba alam mong lilipat ako ng Diliman para lang mapalapit sa'yo? Hindi ba alam mo kung ilang beses kaming nag-away ni Daddy dahil ayaw n'yang pumayag sa gusto ko pero ipinaglaban kita!"

"Greeney..."

"You are despicable!" I hissed. "You are unbelievably despicable!"

Third year high school ako noong naging kami ni Albert samantalang fourth year high school naman s'ya. He's not the boy-next-door type, in fact, hindi s'ya kagwapuhan kaya naman puro tukso ang inabot ko sa mga kuya ko dahil nag-boyfriend daw ako ng mukhang uwak. Pero, keri na 'yun, beauty is only skin deep ang peg ko noong mga panahong 'yun. Sobrang napahanga kasi ako sa katalinuhan n'ya dahil nagpaka-echosera ako na hindi kuno mahilig sa gwapo kundi sa mga may utak.

Pumasa s'ya sa U.P. Diliman at kahit gusto ko s'yang sundan, ang gusto ng pamilya ko ay sa U.P. Cebu ako mag-aral.

"Hindi ko hiniling sa'yong sundan mo ako."

"Leche ka! Hindi mo nga hiniling pero bawat pag-uusap natin 'yun na lang ang bukambibig mo – ang kakulangan ko bilang girlfriend because of the distance! Besides, I told you about my plans to transfer campuses! Alam mo kung anong hirap ko maitaas lang ang General Weighted Average ko para makalipat ako rito!"

"Hindi ko rin kasi inakalang papasa ka—I mean..." he stuttered.

Ang kapal ng mukha ng bayawak na 'to! Akala mo naman kung sinong gwapo!

"Greeney—"

"It's Green, not Greeney, you imbecile!" I snapped before I turned on my heel to leave.

May mga lalaki talagang hindi dapat nabubuhay sa mundong ibabaw. May mga tao talagang dapat ipina-flush sa inodoro kasi mas masahol pa sila sa tae.

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon