I Love Rain |one shot|

472 22 17
                                    

i l o v e r a i n • One shot story • thesisterssss • support ;;)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gusto ko talaga pagumuulan. Pakiramdam ko, Matapang ako. Bakit? Kasi hindi halatang umiiyak ako. Madalas kasi akong abutan ng ulan tuwing uwian na. Bakit nga ba ako nageemote? Eh kase may crush ako. Hindi lang pala crush, mahal na mahal ko na. Pero para atang may special power ako. Invisible sa mundo nya. Kahit masakit, may choice pa ba ako? Edi tinanggap ko na lang na hindi talaga kami ang magkapartner sa love story ko.

Masakit kasi sya, sobra. Yung tipong may gusto ka pero hindi mo makuha. Suntok sa buwan ang drama. Kaya eto ako ngayon,

Naglalakad sa gitna ng ulan,

Nakayuko,

Umiiyak

"Ariel! Bat ka nagpapaulan? Baka magkasakit ka!"

Inangat ko ulo ko at nakita ko ang aming kapitbahay, galing siguro sya sa ibang nayon. Nakapayong sya. Ngumiti ako na parang walang prinoproblema.

"ok lang po ako, gusto ko lang po mapagisa"

Pinilit kong hindi pumiyok. Baka kasi sabihin nya kay mama na umiiyak ako.

"ahh. Osya sige, mauna na ako't maghahanda pa ako para sa bertdey ng aking anak sa susunod na linggo"

See? Di nya nahalatang umiiyak ako. Naglakad ako ulit, nang may sumabay sa akin sa paglalakad. Tinignan ko kung sino

Ang lalaking dahilan kung bakit ako nagpapaulan dito. Ang lalaking iniiyakan ko. Ang lalaking hindi ko makuha-kuha. Ang lalaking-- mahal ko.

Tinignan nya ako at ngumiti, nginitian ko din sya

"Alam mo pogi na nga ako, alam ko pa ang pinakaiba sa luha at ulan"

Unti unting nawala mga ngiti ko,

"Ariel, alam kong mahal moko"

Napatawa ako sa sinabi nya

"gandang joke yan ah! Medyo makapal ang mukha natin.. Hahahaha haha ha ha...."

Nagsimula na akong kabahan, totoo kasi sinasabi nya. Si Cheska lang naman sinabihan ko tungkol sa nararamdaman ko sakanya

At baka anytime, ireject nya ako. At hindi ako handa sa sasabihin nya.

Napahinto sya sa paglalakad, napahinto din ako. Nagkatinginan kami

"hindi ako nagbibiro" seryosong sambit nya

"pano kung tama ka? May magagawa ka ba? Wala naman eh! Di naman kasi ako yung gusto mo!"

Naramdaman kong konti na lang at sasabog na ang mata ko sa sobrang pigil ko ng mga luha. Pero napipigilan nga ba ito? Aba ewan. Basta ayoko silang lumabas.. Wag ngayon.. Wag sa harap niya.. Nakakahiya.. babae pa naman ako.

Kaya naman, tumalikod ako at akmang tatakbo

Pero hinawakan ng isa nyang kamay ang kamay ko, at yung isa naman nyang kamay hinigit bewang ko.

Ngayon, magkalapit na kami.

Unti unti nyang nilapit labi nya sa mukha ko.

At hinalikan ang noo ko..

Sabay sabing

"The feelings are mutual"

I Love Rain |one shot|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon