Chapter 77: I do

13.9K 117 26
                                    

Hey Loves!

Im sorry for the long pause. Now I will try to manage my time properly. Next update would be this coming Friday! :D

Nagannounce ako na maguupdate ako sa fb. Sa lahat ng di ko pa friends. Add me! Andun sa external link. 

Enjoy! :))

__________________________________________________________________________

Pinili naming umupo sa isang bench ni Warren. Magkahawak kami ng kamay at nakapatong ang ulo ko sa kanyang kaliwang balikat.

Dahil siguro pagod pa din ako nakaraang gabi ay pinikit ko ang aking mga mata.

Maya maya lang eh naramdaman ko na may parang hangin na umiihip sa aking mukha. Nung binuksan ko ang aking mga mata nakita ko na nakangiting nakatingin sa akin si Warren.

"Anong ginagawa mo?"

"Ginigising ka"

"Warren naman eh" pinakita ko sa kanya na gusto ko pa talagang matulog.

"Alam mo bang nung nasa Canada ako eh iniimagine ko na magagawa natin to"

Minulat ko ulit ang mga mata ko at tinignan si Warren.

"Ang alin?"

"Eto. Simple lang pero nakakapanatag ng loob"

"Ako din naman eh." Inalis ko ang ulo ko sa pagkakapatong sa balikat niya. "Warren"

"Hmm?"

"Ayos lang naman siguro si Andrei ngayon diba?"

Humarap sa akin si Warren.

"Wag ka na magalala. He just feels he is responsible for me and Maxene."

"Hanggang ngayon parang gulat parin ako na si Maxene na at si Andrei"

"Bakit?"

"Kasi diba mahal na mahal ka niya."

Tumawa ng malakas si Warren.

"Eh ano?"

"Nakakaasar ka. Totoo naman kaya yung sinabi ko"

"Yun nga, eh ano?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Hey, dont tell me nakakaramdam ka parin ng selos?"

"Hindi no"

"Eh bakit ganyan ang nararamdaman mo?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon