Chapter 44

5.6K 166 20
                                    

May music sa multi-media. Mag-comment ang di maka-gets.

© Shupershimmer

Hindi ko alam kung ano nang nangyari sakin. Basta na lang bumilis yung heartbeat ko… at sa sobrang bilis… wala na akong narinig. Wala na rin akong nakita. Wala na’ng doctor. Walang OR. Walang ospital.

Naglaho na lang lahat.

**

My eyes opened very slowly, like it’s the most brittle thing. I felt someone’s holding my arm. “Lawrence….” I realized it’s Nina.

Pumikit ulit ako—ewan, pero pakiramdam ko pagod ang katawan ko. Ang hina-hina rin ng buong katawan ko at di man lang makagalaw kahit konti, maliban sa pagdilat.

“Pakitawag yung nurse!” someone shouted.

“JESUS!”

In a few minutes, may mga nakaputing tao na ang nakapaligid sakin, at dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa nila sakin, hinayaan ko na lang, hanggang sa maging malinaw na yung paningin ko.

Pagkatapos ng pag-check-up sakin—o kung ano man ang ginagawa nila—lumapit si Mama sakin. Si Mama ba ‘to? Mapungay lang yung mata ko na nakatingin sa kanya. Sa sobrang hina ko, ni sariling mata, hindi madilat nang maayos.

“How are you feeling, Lawrence?” she asked, squeezing my hand.

I couldn’t answer a word.

“Diyos ‘ko, pinakaba mo kami ng Papa mo!” dagdag niya. Pagtingin ko sa likod niya, nandoon si Papa. Bakit sila nandito?

I sighed, closing my eyes painfully. Doon ko na lang naramdaman yung benda sa ulo at binti ko. Ramdam ko rin na may makapal na telang nakabalot sa bewang ko.

Pinipilit kong alalahanin yung kung ano mang nangyari bago ako napunta sa ospital na ‘to—kung ano ang eksaktong nangyari, pero sumakit lang ang ulo ko. Something pinched my brain that my nose has to wrinkle due to pain.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon