Chapter 12: Her Anger

5.3K 96 14
                                    


**Jaron's POV

Hindi ako pinatulog ng konsensya ko. Magdamag kong iniisip kung nasaan si Riya. Ni hindi ko na masyadong napansin si Leslie. Hanggang ngayon daw wala pa si Riya sa bahay nila. Ako ang kinukulit ng mga kaibigan niya. Pati nung ate niya. Argh! Bakit ba kasi nangyayari to?

Pumunta nalang muna ako sa kanila para ma-check kung nakauwi na siya. Pero pagbaba ko palang sa kotse malapit sa may bahay nila Riya, ay may nakita akong isang kotse pa na pumarada sa tapat nila. Kotse ni Lance. Anong ginagawa niya dito?

Bumaba si Lance tapos ay pinagbuksan niya yung na sa passenger seat. And I was stiffened when I saw Riya came out of his car wearing his shirt. Ano 'to? Habang ako alalang-alala sa kanya eto naman siya buong magdamag kasama si Lance! And worst! Baka may nangyari na sa kanila!

Pero anong karapatan kong magalit? Ako naman ang may kasalanan...

"No,I'm literally saying that your mine."

Shit! Ano nanaman ba 'tong kalokohan ni Lance? Talaga bang seryoso siyang maging girlfriend si Riya? At paano kung bumigay si Riya? Snap out of it! Bakit parang isipin ko palang na magiging sila, naiinis na ako! Nagseselos ako!

"Sira ulo ka lang? Umalis ka na nga." natatawa pa si Riya habang sinasabi niya iyon kay Lance. Tapos pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Si Lance naman ,ngingiti-ngiting naglakad papunta sa kotse niya. Hinintay ko muna siyang maka-alis bago ako nag-lakad papunta sa bahay nila Riya. Nag-door bell ako at ilang sandali pa may nagbukas din ng pinto. Si Riya.

"Riy----"

Pinagbagsakan niya ako agad ng pinto. Pero hindi ako papatinag, kumatok ako ng kumatok.

"Riya! Kausapin mo ako please!" Hindi ako tumigil sa kakakatok hangga't hindi niya ako pinagbubuksan. "Riya! Please! Let me explain!"

Bigla naman binuksan niya ang pinto. Hayy sa wakas!

"Wala ka ng dapat i-explain. You can go. SHUPI!" pinapaalis niya ako na parang aso. Isasara na dapat niya yung pinto pero hinarang ko yung braso ko kaya naman naipit iyon. Feeling ko napilay yung braso dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak ni Riya doon sa pinto.

"Aray!" napasigaw ako.

Agad niyang binuksan yung pinto at tinignan yung braso ko.. Concern ba siya?

"Gago ka lang o tanga? Bakit mo hinarang yung braso mo? Err! Naku! Kokonyatan talaga kita eh!" akmang babatukan niya ako pero sinabunutan niya nalang ako. Concern nga siya ng lagay na yan =__=

"E babagsakan mo nanaman ako ng pinto e. Paano kita makakausap ng matino kung hindi mo man lang ako papapasukin?" sabi ko sakanya sabay napangiwi dahil sa sobrang sakit ng braso ko.

"Psh! Pumasok ka nga dito sa loob! Leche ka talaga oo!" inis na inis siya pero ok lang, atleast it works.

Pumasok ako sa loob at pinaupo niya ako a sofa. Kumuha siya ng first aid kit at ointment para dito sa braso ko. Ako na nga 'tong may atraso ako pa tong ginagamot niya ngayon. Ang kapal na ata ng mukha ko?

Pagtapos niyang gamutin yung konting sugat sa braso ko ay tumayo na siya at iiwan na dapat ako pero hinawakan ko yung kamay niya.

"Let's talk. Please." pagmamaka-awa ko.

Umupo naman siya sa tabi ko at tumingin sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko.

"Riya,sorry dun sa ginawa ko sayo kagabi. Sorry kung naitulak kita. Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil hindi kita nai-pagtanggol. Sorry amo."

I meant what I'm saying right now. Hindi ko dapat yun ginawa sa kanya. Sanang hinayaan ko muna si Leslie, kung tutuusin dapat inuna ko si Riya kasi may responsibilidad ako sa kanya. Pero ang pinili ko pa rin yung babaeng nang-iwan sakin na ngayon ay gusto akong bumalik sa kanya. Ang tanga ko lang talaga =___=

"Alam mo,wala na akong pakialam sa mga nangyari kagabi. Tapos na eh,may magagawa kapa ba? Tsaka naiintindihan ko naman yun, mahal mo siya ako amo mo lang ako. Kaya naiintindihan ko naman na hindi mo ako binibigyan ng importansya, KJ." full of sarcasm and anger ang mukha niya. Galit siya sakin. Alam kong galit na galit siya sakin. Kasalanan ko talaga 'to.

"Riya,no. Hindi ganun yun. Importante ka sa akin."

"Ah talaga? Tss. Mabuti nalang at dumating si Lance at tinulungan akong maka-alis dun. Ikaw? Anong ginawa mo? Wala diba? Nasan ang importansya ko sayo?" napatayo si Riya. Si Lance. Bakit kasi si Lance pa? Nakakabwisit!

"Tss. Si Lance? Huh! Si Lance na ngayon ang mabait at ako naman ang masama? Bakit? Ano bang ginawa niya sayo at naging ganyan na yung tingin mo sa kanya? Siguro may nangyari na sa inyo! Siguro pinaligaya kana niya kaya siya na ang mabait sayo nga-----"

Natauhan ako sa sampal niya. Bakit ko ba nasabi yun? Masyado akong nadala. Isang maling desisyon nanaman ang nagawa ko....

"Lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan? Samantalang wala ka namang alam! Ngayon mas lalo mong ipinakita sa akin na ikaw nga ang masama! Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo pa ako kilala Kyd Jaron Soler! Kaya wala kang karapatan na husgahan ako ng ganyan! E ano naman ngayon kung may nangyari nga samin? May pakialam ka ba? Tang*na lang!" nagsimula na siyang maiyak. Ayoko ng ganito! Hindi ko siya kayang makita na umiiyak dahil sakin. Ayoko....

"Riya, I'm sorry. N-nadala lang ako. Hindi ko sinasadyang masabi yun. Patawarin mo ako Riya,please.. " napaluhod ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pano kung hindi niya ako patawarin? Hindi ko kaya....

"T*ngna lang KJ! Paulit-ulit yang sorry mo! Wala ka ng magagawa! Nasaktan ako! Sinaktan mo ko! Alam mo ba ha? Gusto na kita eh! Hindi ko alam kung kelan o kung bakit! Basta gusto kita! Ikaw ang unang p*nyetang lalaking nagustuhan ko kahit alam kong kelan lang kita nakilala!" napaluhod din siya sa harap ko.. " Kaya lang iba yung gusto mo eh! At alam ko namang hinding-hindi ako papantay sa kanya para sayo! Lintik na buhay to! Shit! Alam mong hindi ako dapat ganito diba? Matapang ako,kinatatakutan ng buong Carson at matigas ang puso ko sa mga lalaki. Pero ikaw,nagkagusto pako sayo! At ang tanga ko pa kasi nagkagusto ako sa p*tanginang kagaya mo!"

Gusto ako ni Riya...Gusto ko rin siya pero binalewala ko yun para sa babaeng unang nang-iwan sakin... "Riya,hindi ko alam. Sorry. Ako din naman,gusto kita.." pagtatapat ko.

"Pero mahal mo siya. KJ,umalis ka nalang. Wag ka ng magpapakita sakin. Yung galit ko sayo hindi naman dahil dun sa siya yung pinili mo nung gabing yun. Galit ako sayo kasi hindi mo ako binigyan ng importansya,ni hindi mo man lang ako nilingon. At galit din ako sa sarili ko kasi nagka-gusto ako sayo." Tumayo siya at naglakad paakyat sa kwarto niya. Tinitignan ko lang siya. Hindi ako maka-galaw sa pwesto ko. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang hindi na siya makita pa..

"Umalis ka na." huling sabi niya bago niya ko tuluyang iwanan doon. Wala na akong nagawa. Tumayo nalang din ako at umalis. Paglabas ko madilim yung langit. Mukhang uulan. Nakikisabay sa amin ang langit..

Sumakay na ako sa kotse ko. Nag-drive lang ako ng nagdrive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bumuhos na ang malakas ulan. Huminto ako sa isang side walk. Umupo ako sa tabi ng payphone at nagpabasa nalang sa ulan. Kasabay nun ang pag-iyak ko..

Hindi ko maintindihan yung sarili ko.. Mahal ko pa nga ba si Leslie? O pinalitan na siya ni Riya? Hindi ako makakaramdam ng ganito kung gusto ko lang si Riya. Nung mga panahong kasama ko si Riya, ni hindi pumasok man lang sa isip ko si Leslie. Nakalimutan kong nasaktan ako. At sumaya ako. Cahriya! Ano ka na nga ba sa buhay ko? Bakit ako nagkakaganito sayo?

"Pre? Nawalan ba ng tubig sa inyo at dito ka ngayon naliligo sa ulan?" Nananadya ba talaga yung pagkakataon? Eto ngayon ang BESTFRIEND kong si Lance na pinagseselosan ko sa harapan ko at pinapayungan ako.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon