Chapter 25: Rebound

64.2K 1K 110
                                    

(Nicole's P.O.V.)

Sabi nga nila, a rebound relationship is a distraction. A relationship on the rebound happens when one party or the other is still heavily invested in his or her past relationship.

Do you want to be just a rebound? 'Yung alam mong hindi naman talaga ikaw ang mahal niya pero pilit kang uma-attach sa kanya at hindi siya mabitaw-bitawan dahil mahal mo siya?

Mahal mo siya na tipong kahit sobrang sakit na, kakayanin mo. Mahal mo eh. That's love. Sabi nga nila, martyr. Pero may isa pang masakit na salita na pwedeng i-describe sa 'yo, tanga.

But will you truly be happy if your own happiness kills you?

=Flashback=

"Hoy, Arden! Halika nga rito! Kung saan-saan ka nakatingin dyan!"

Nakakabwisit! Sasapakin ko na 'to eh!

Nag-Starbucks kami ng kulugong 'to. Nasa counter na siya para um-order nang mapansin kong 'di na siya makaalis dun sa pwesto niya dahil may grupo ng mga babaeng natingin sa kanya. At nagpapalandi naman siya. Eff!

Mayamaya ay lumapit na siya sa akin na dala 'yung order namin. Agad kong piningot ang tenga niya.

"Leche ka! Ayos din 'yang mga mata mo, ano? Ang landi mo!"

"Araaaayyy! Aaahhh! Love naman, hindi naman ako ang unang pumansin sa kanila ah?"

"At gustung-gusto mo naman?!"

Napansin kong nakatingin sa amin 'yung mga babae kaya naman binigyan ko sila ng death glare. Aba! Nagsuot ako nang maayos ngayong araw na ito! Nakasuot ako ng mini skirt at bumili pa ako ng magandang damit para lang sa date namin tapos hindi ako mapapansin ng kulugong ito?!

Doon pa siya tumingin sa mga mukhang baklang 'yun?! How dare him?!

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?!" Tumayo pa ako at hinamon sila ng tingin. Gusto niyo ng away ha? Bibigyan ko kayo! Kaso umalis na 'yung mga babae. Tss!

"Alam mo Nicole, napaisip ako na mana ka pala sa best friend mo, may pagka-amazona ka rin pala. 'Yun nga lang may halong bibig 'yung sa 'yo na parang machine gun."

Binigyan ko siya ng death glare pero nag-peace sign lang siya sa akin na may mukhang nakakaloko. After a few minutes, I saw a couple wearing a very cute couple shirt. 'Yung kalahati ng heart nasa girl and the other half is nasa boyfriend niya. How sweet!

Never pa akong nagkaroon ng couple shirt. In my past relationship with Gab, never niya akong binigyan ng bracelet, couple ring, mga ganun ba. But he gave me flowers naman. Gusto ko talaga ng couple shirt. I'm so envy!

Tiningnan ko naman si Arden pero may kausap siya sa phone. Akala ko 'yung Glei na naman pero buti na lang at narinig ko na si Nathan lang 'yun.

I'm still jealous. Isang araw, tinanong ko sa kanya kung kumusta na sila ni Glei pero naging cold siya sa 'kin. I don't want that. Mas gusto ko 'yung ganito so I'll just keep my mouth shut.

Ako naman kasi ang may gusto nito, 'di ba? I will wait for the time that he'll fall in love with me. Makakalimutan niya rin naman si Glei, hindi ba? Haay... sana.

"Arden."

"Oh, kiss gusto mo? Halika, kiss kita!" Inilayo ko naman siya sa'kin dahil hahalikan niya talaga ako.

"Naman eh! Hindi 'yun! Wala na bang ibang alam ang utak mo kundi kiss?"

"Meron. Sex."

Sinapak ko siya!

"Walangya! Hoy kulugo, tigil-tigilan mo nga ang bibig mo. Nakakahiya ka! Baka mamaya marinig ka ng mga bata!"

"Oo na." Sa wakas ay sumuko na siya.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon