Chapter 1 - Seeing Him Again

23.1K 359 27
                                    

Gumagawa ako ng lesson plan noon ng marinig ko ang notification sound galing sa phone ko. May nagviber message. Kaagad kong tiningnan iyon dahil baka si Hannah at magagalit iyon kapag hindi ko nasagot. Napatingin ako dahil number lang iyon. 'Hi sexy' iyon ang nakasulat. Napaisip ako baka nangtitrip ang mga co-teacher ko at ako na naman ang pinagdiskitahan. 'Hindi sexy ang pangalan ko.' Iyon ang standard kong sinasabi kahit kj. Nakareceive ulit ako ng text at sabi, 'I am back! I am in the Philippines now. I am coming to see you.'

Napatulala ako sa nareceive kong message. Iisa lang naman ang hinihintay kong bumalik sa buong buhay ko. Si Elijah. Napatili ako at kaagad na naglupasay sa kama at nagpagulong-gulong. Makikita ko na si Eli. Para bang hindi ako makapaniwala. Sa tagal ng panahon na pamamalagi nila sa Australia ay ngayon lang sila umuwi.

"Anong problema?" Napatigil ako sa paggulong ng magbukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin si Mama.

"Si Eli, Mama, nandito siya sa Pilipinas. Papunta na siya rito sa atin."

"Si Eli na kalaro mo?"

"Opo,Mama!"

Nagpagulong-gulong ako sa kama at nakita ko na lang si Mama na umiling-iling sa ginagawa ko.

"Ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na diyan at tulungan mo akong magluto." Nakangiti si Mama nang nagsalita. Kaagad akong tumigil sa paggulong at sumunod sa kanya sa kusina. Hindi ko alam kung anong oras darating si Eli pero alam kong laging late iyon kung dumating pero mas maganda na may pagkain ng nakahain sa mesa. Alam kong namiss niya ang mga pagkain sa Pinas.

"Niel!" May narinig akong boses na tumawag sa pangalan ko mula sa sala. Sa pagkakatanda ko hindi iyon ang boses ni Eli. Pero matagal ng panahon na di ko naririnig ang boses ni Eli sa personal. Lagi lamang sa telepono. Hindi kaya...

Kaagad akong lumabas ng kusina at tumuloy sa may sala. Natigilan naman ako ng may nakita akong ulo na nakadungaw sa may pinto.

Si Eli. Kahit na nagbago ang itsura niya at matagal ko na siyang hindi personal na nakikita ay kilala ko siya dahil sa mga pictures niya sa facebook. Pero ibang-iba ang itsura niya sa personal.

Tumayo na siya ng deretso at nakatingin lang din sa akin. Pinoproseso pa ng utak ko kung anong susunod kong gagawin. Tiningnan ko ang mukha niya na pumuti ang kulay na mamulamula dahil siguro sa klima sa Australia. His warm dark brown eyes. His high nose and strong jaw. Lalong gumawapo ang kaibigan ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Kung gaano na siya katangkad ngayon at kung gaano siya lumapad.

Hindi ko na namalayan na napaluha ako. Si Eli, my first bestfriend and my hero. Bumalik na siya. Natandaan ko kung gaano ako umiyak noon umalis ang buong pamilya nila patungong Sydney matapos ng graduation namin ng Grade 7.

"Ah, Niel. I'm here now and you are still crying?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Halos makain na niya ako sa lapad niya ngayon pero ang hindi nagbabago ang warmth ng mga yakap ni Eli. I missed him so much. Thirteen years hindi ko siya nakita ng ganitong malapitan at nakausap. Iba pa rin ang physical presence sa mga digital na video calls. Ibang-iba.

"Anong problema? Sino umaway sa'yo?" Napangiti ako sa accent ni Eli. Australyano na talaga.

"Namiss kita, Eli! Kainis ka!" I heard him laughed.

"I miss you too!"sabi niya sabay ng paghigpit ng yakap niya sa akin na sinasadya niya at hindi ako makahinga.

"I miss you three." Napabitaw ako sa pagyakap kay Eli nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Hannah?" Nandoon si Hannah sa may pinto at nakangiti sa amin. May dala siyang back pack at alam ko na ang ibig sabihin noon. Magsleep over siya sa amin.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon