The Piano

685 13 21
                                    

"Hoy Kira uwi na tayo!"

"Ah eh sige tara pagod narin naman ako."

Kakatapos lang ng practice amin for the chorale. Hayts. Nakakpagod pero okay lang dahil nakita ko ang pinakamamahal kong tao sa balat ng earth. 

"Kira! Tulala ka na naman!"

"Ah sorry, nag iisip kasi ako."

"Kanino? Kay Jim na naman?"

"OO eh."

"Sus, tigil tigilan mo nga yan."

-----------------------------------------

""Ay, halos one week na rin pala ano."

"Ang ano?"

"Ang pag aabsent absent ni Akire."

"Ah. B-baka nangingire sa ibang school!" I was speechless. I dont know what to say. My mind aches.

 "Baliw ka talaga. Oh sige dito na ko dadaan ha. Ingat!"

Naghiwalay na kami ni Jen ng daan para umuwi. Buti pa sa daraanan niya may ilaw. Dito wala. Nakakatakot.

Lakad lang ako ng lakad. Inaaliw ko ang sarili ko sa mga bagay bagay. Pilit kong iniimagine ang muka ni Jim kaso may sumusingit, may nanggagambala sa utak ko. Hindi ko maiwasang matakot at mangamba.

Binilisan ko pa ang aking paglalakad. Bawat pagbilis ng yapak ko ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. At bawat pagbilis nito, sumasabay ang paglakas ng ihip ng hangin at kaluskos ng mga puno sa daan

Sobrang dilim. Sobrang nakakatakot. Tulad ng gabing iyon. Ang gabing pinagsisihan kong mangyari.

Mga ilang metro lang. Nakakita ako ng liwanag. Ilaw ng bahay amin. Malapit na ako. Malapit na makatakas sa mundo kung saan naghahari ang dilim, ang takot.

Antagal kong nagpalakad lakad. Nag aakalang malapit na ako sa aming bahay. Poste lang pala ang aking naabutan. Sa pagkatakot ko pati poste inakala kong bahay na namin.

Nasa gubatan pa kasi ang bahay namin. Malayo sa sibilisasyon. Mga 30 minuto ang lalakarin bago makarating.

Ang tagal ko ng naglalakad. Napapagod na ako. Wala pa ba ang bahay namin. Natatakot na ako. Naiiyak. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Lumakas lalo ang hangin, bumilis rin lalo ang aking paglakad. Lumingo ako sa paligid. May anino. May tao. Ligtas ba ako?

Hindi ko rin alam. Nanguna ang takot sa akin, tumakbo ako ng tumakbo.

"Ahhhhhhhhhhh!"  Nadapa ako dahil sa bato. Nasa parteng ilog na pala ako. Malapit na. Malapit na malapit sa aming bahay. Malapit sa liwanag na nagbibigay ng kaligtasan para sa akin.

May nag alok sa akin ng kamay upang tumayo. Inabot ko ito. Isa siyang bata. Maputi. Cute siya. Nilalamig siya, napansin ko.

"Ate tayo ka na." sabi sa akin ng bata. Inabot ko ang kamay ya at tumayo. Nanginginig ako. Ewan ko ba at bumubilis ang tibok ng puso ko.

Parang nakikilala ko ang bata. Hindi. Kilala ko siya. Nanlamig ang mga kamay ko. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ako makatakbo. Gustong kong gumalaw. Hindi ko magawa. Nauuna na naman ang takot sa aking katawan. 

Inipon ko ang lakas ko upang tumakbo. Papalayo sa kanya. Papalayo at palapit sa liwanag na aking natatanaw.

Nakita ko na ang liwanag. Ang aming bahay. Sa liblib na lugar sa kagubatan. 

Pumasok ako sa bahay. Hindi ko parin malimutan ang nangyari. Ang batang iyon. Ang pagtulong niya sakin. Ang pagsunod niya sa akin. Pitong araw na niyang ginagawa yon. Pitong araw na nya kong sinusundan ngunit hindi siya makalapit sa aming bahay. Kaya ramdam ko ligtas ako kapag nasa bahay na ako. 

The PianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon