CHAPTER TWENTY-NINE

17K 272 103
                                    

[JULIA’S POV]

“Nasan ang magaling mong kaibigan? Ha?" Galit na galit kong tanong kay Sthep nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng school.

Bakas sa mukha niya ang takot. Aba! Dapat lang … kung kinakailangang saktan ko siya gagawin ko malaman ko lang kung saan nagpunta si Kathy at Damon.

“H-hindi ko alam J-Julia.”

“Ahh hindi mo alam?!” Akmang sasampalin ko siya nang may biglang pumigil sa kamay ko.

“Tama na yan. Nasa Batangas sila.” Sabi ng isang lalaki. At mukha din siyang miserable katulad ko. Napansin ko ang kakaibang marka sa kamay niya. Hindi kaya … hindi kaya isa din siyang demonyo?

“And who the hell are you?”

“Erick.”

Erick? The fallen angel?

“How did you know na nasa Batangas sila?”

“I just know. At wala ka ng pakialam kung paano ko nalaman.” Sarkastikong sagot niya sakin.

"Take me there." Utos ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin.

“Sino ka para sundin ko?”

Alam kong alam niya kung sino ako. Alam niya na marami akong nalalaman tungkol sa pagkatao niya.

“Susundin mo 'ko dahil sinabi ko!” Sigaw ko sa kanya.

Tumitig siya sakin. Yung titig na hindi marunong sumuko at magpatalo. Hanggang sa unti-unting nagbago ang kulay ng mga mata niya tapos bumalik yun sa dati.

“Hindi ako si Damon … wala kang karapatang sigawan ako.”

Bigla akong natigilan.
He really is a devil.

Muli kong hinarap si Sthep.

“Sabihin mo sa kaibigan mo, hindi pa kami tapos! Magkikita at magkikita kami … kahit sa impyerno!”

Pagkatapos noon ay padabog kong nilisan ang lugar na iyon.

‘Damn!’ Bakit ba ang daming nagmamahal kay Kathy? Anong meron sa kanya? Kung ganda lang naman ang pag-uusapan, lamang na lamang ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit. A fallen angel, a bestfriend and a devil. Lahat ng yan mayroon siya.

Isa lang ang gusto ko, pero nasa kanya pa rin.

I went home. I better wait for Damon to come home than to look for him. Masyadong malayo at malaki ang Batangas para puntahan ko pa sila, nang mag-isa.

Pipihitin ko na sana ang door knob ng mapansin kong bukas ang pinto. Marahan kong itinulak ang pintuan. Bahagya akong nagulat nang makita ko si Damon … nakataas ang paa sa mesa habang naka-tingala sa kisame. Nakatulala ito sa kawalan.

I was looking for him the whole day tapos sa ganitong itsura ko lang siyang dadatnan? I was so freaking mad. Sa sobrang galit ko, ibinato ko sa kanya ang dala-dala kong bag.

"You son of a beach!" Saka ko ibinalibag ang pinto.

Nakailag siya sa bag, pero sisiguraduhin kong hindi siya makakailag sa galit ko.

"Insensitive jerk!" Halos maiyak-iyak kong sigaw kay Damon.

Tumayo siya mula sa sofa saka mahinahon akong hinarap. "Ano bang ikinagagalit mo?"

"Anong ikinagagalit ko? Ha? How about spending a night with Kathy in Batangas? Hindi ko ba dapat ikagalit yon, Damon?"

Umiling-iling siya. "You sounded like a jealous wife."

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon