Shattered Memories - Chapter 26

8.6K 350 32
                                    

Chapter Twenty Six

Namasyal si Ishi sa Pacific Mall kasama ang kanilang kasambahay na si Maria. Robert insisted that she should have someone with her. Malaki na kasi ang tiyan niya kaya siguradong mahihirapan siyang magbubuhat. Masyado ring praning ang kaniyang mister dahil naisip nito na dapat nga'y may bantay siya kung saka-sakaling biglang pumutok ang kaniyang water bag.

She entered the toy shop. Nagtingin-tingin muna siya roon ng mga laruan para sa mga batang lalake. Dahil wala siyang masyadong alam sa mga laruang pambata, nagpaassist na rin siya sa mga empleyado roon. In the end, she bought three sets of toys.

Makayari nila sa toy shop ay naghanap na muna sila ng makakainan. Sa Jollibee sila papunta nang makasalubong nila roon si Delvert. Guwapong-guwapo ito sa kulay itim nitong polo at itim na slacks nito. Huminto ito sa paglalakad nang magtama ang kanilang mga mata. Delvert flashed a smile at her.

Tila naman napako ang mga paa ni Ishi sa kaniyang tinatayuan. Napatanga siya sa mga mapuputing ngipin ng kaniyang dating nobyo.

Lumapit ito ng walang pasabi at idinampi ang palad sa kaniynag tiyan. "Ilang months na 'to? Six?" he asked with a bright smile on his lips.

Ishi reluctantly shook her head. "S-Seven."

"Sigurado ka bang kay Robert ang batang 'to?" walang prenong tanong ni Delvert kahit alam niyang may nakakarinig na iba.

Naaalarmang napalingon si Ishi kay Maria. Ayaw niyang kung ano ang isipin nito sa tanong ni Robert. Isa pa, hindi ri niya alam kung kilala nito ang kaniyang dating nobyo. Takot siyang baka mamaya ay magsumbong o magkuwento ito ng kung ano kay Robert. "Maria, pumila ka na sa loob. Ikaw na ang bahala sa food, hintayin mo na lang ako roon," utos niya para malayo ito at hindi na maring ang iba pa nilang usapan.

Pumila na sa loob ng Jollibee ang katulong dahil napilitan ito.

Ishi eyed Delvert. "Siraulo ka ba?! Why would you ask something like that? Of course it's Roberts!"

Delvert sighed. "Ishi, marunong ka bang magbilang? Sa tantiya mo, tingin mo kalian nagsimulang mabuo ang bata na 'yan? Nakalimutan mo na 'atang may nangyari sa atin sa loob ng sasakyan ko noon."

Her jaw dropped. She was stunned by what he said. Never in her thoughts na inisip niyang may posibilidad na si Delvert ang ama ng batang kaniyang dinadala. Tingin niya ay malayong mangyari iyon. Pero dahil sa sinabi ni Delvert, bigla siyang nagduda. Ni hindi na nga rin niya matandaan kung kalian sila nagtalik sa loob ng sasakyan nito noon. Sa buwan ng kaniyang tiyan, alam niyang pasok ang oras na may nangyari sa kanila nito. Gayunpaman, naggalaw din naman siya ng sariling asawa niya noong mga panahong iyon.

Patuloy si Delvert sa paghawak sa tiyan ni Ishi. "Gusto kong ipa-test ang DNA ng batang nasa tiyan mo, Ishi," anito sa seryosong tono.

"No!"

Napapalatak si Delvert. "Natatakot ka bang hindi si Robert ang ama?" He smiled mischievously. "Don't worry. It'll be a secret. It's just sad that you're fond of him again. Tanggap ko naman dahil siya naman talaga ang asawa mo. 'Yun nga lang, kahit papaano umasa ako na maghihiwalay kayo at mapupunta ka sa akin."

Kabadong napalunok si Ishi. "What do you want from me?"

Lumungkot ang ekspresyon sa mukha ni Delvert. "I won't lie. I want you." He held her chin using his forefinger and thumb. "I really really want you, kaya nga kahit alam kong may asawa ka na... sumugal pa rin ako. Hinayaan ko ang sarili ko na magkaroon tayo ng affair. But it's over now. You're falling for that asshole again. But regardless of my own feelings, gusto ko pa ring malaman kung akin nga ba ang batang 'yan. He could be my heir."

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now