High School Diaries: If This Was A Movie

2.5K 34 38
                                    

Prologue:

Paano pag sobrang bored ka na, as in to the point na feeling mo masayang kumain ng ampalaya, tumalon sa building, umapak ng pako, o makipagdate kay Justin Bieber? Tapos bigla na lang nag-ring yung phone mo.

- (Insert the name of your crush here) Calling -

Ayiee~ ano yan? Laki ng ngiti mo, ha? Kilig ka noh? Lahat naman yata kikiligin kapag tinawagan ng crush nila, diba? Walang mali diyan, pagpatuloy mo lang. Hindi naman kalandian ang tawag diyan, sadyang kinikilig ka lang kay (Insert the name of your crush here). Ang lakas kaya ng appeal niya! Diba, diba? Ayan, nagblush ka na tuloy! 

Anong feeling tuwing nakikita mo ang love-of-your-life mo? Diba masaya? Para kang nakaapak ng basang cable ng kuryente, parang may mga lumilipad na bubuyog sa tiyan mo (oo, bubuyog, overused na ang butterflies), parang bigla ka na lang mahihimatay kasi umakyat na lahat ng dugo mo sa ulo.

Hindi talaga natin kaya itanggi na masarap ang feeling kapag inlike or kapag inlove.

Yung parang sa mga sine o telenobela lang. Yung ang saya-saya ng leading lady kasi may nagmamahal sa kanya ng mas matindi pa kaysa sa pagmamahal na ibinibigay niya. Yung ang sweet-sweet ng love team to the point na kitang-kita sa mga mata nila ang sayang nadarama nila kapag magkasama sila. Yung parang nasa fairy tale sila o kaya sa ibang mundo.

Kaya lang, scripted kasi yun. May director, may kodigo. Ang katotohanan ay hindi para sa lahat ang ganyang istorya. Kasi sa istorya ng totoong buhay, walang direktor para magturo ng mga dapat mong gawin, walang "cut" para ulitin ang mga magagawa mong pagkakamali, at walang script para malaman at mapaghandaan mo ang susunod na mga mangyayari. Sa totoong buhay, hindi katulad sa mga maraming romance movies, dramas, at tele novelas, hindi lahat ng kasali sa istorya ay nagiging masaya. Minsan may masasaktan o kaya naman may maagrabyado. May naaapi o kaya naman nababalewala.

At aba, malay mo, baka ikaw nga yun. Pwede rin namang kasing nasa istorya ka nga, hindi naman ikaw yung leading lady o leading man. Isa ka lang saling-pusa. In layman's term, isa ka lang hamak na extra.

High School Diaries: If This Was A Movie <ON HOLD>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon