PROLOGUE:

66.7K 698 91
                                    

Dedicated to @HippityHoppityAzure


* * * * * * * *

AUTHOR's NOTE:

Spin-off story of "Say That You Love Me", this time it's the man whore, Benjamin Ruiz's love story... Can he convince the love of his life that he can be faithful inspite of his notorious reputation when it comes to women?

Find it out by joining his journey towards the one that captured his heart since he was a boy...

* * * * * * * *


[ Benjie POV ]


Masaya kong pinagmamasdan ang daan habang sakay ng kotse kasama ang mama ko. Papunta kami ngayon sa isang school na sadyang nagbubukas lang tuwing summer. I am enrolled in one of the class that they are offering.


"Mama, promise I will behave in my taekwondo class." Sabi ko at nilingon ang mama ko. My mother, Beatrize Ruiz patted my head and gave me a warm smile.


"Good, Benjamin."


"Ma, naman eh. Di ba sinabi ko na pong 'Benjie' ang itawag nyo sa akin. Kapag tinatawag nyo po kasi ako sa buo kong pangalan pakiramdam ko, ako si lolo." Reklamo ko sa mama ko. Ipinangalan kasi ako ng mga magulang ko sa grandfather ko sa side ni papa.


"Ikaw talagang bata ka kung ano-ano ang naiisip mong katwiran para kang hindi walong taon." Tumatawang sabi ni mama at ginulo pa ang buhok ko. Umayos ako ng upo at hinarap sya.


"Mama, sa tingin nyo po may makikilala akong pwede kong maging kaibigan?"


"Kaibigan o kai-bigan?" She asked in doubt.


"Both." I answered sheepishly.


Tumango sya. "Of course son, you will meet some kids there and make friends with them."


"Mama, what are the other classes that this school offers?"


"Uhmm, let me see." She said and opened her bag. She took the pamphlet on it and read it aloud. "Aside from taekwondo where you are enrolled, they have swimming, tennis, basketball, judo, karate, painting, piano, singing and dance classes."


"Ang dami po pala." Sabi ko at naisip na sana sa swimming na lang ako inenroll ni mama para naman may makita akong mga girls na naka-swimsuit.


"Excited ka na ba?"


"Medyo po." Sagot ko na biglang nanghinayang dahil sa tingin ko ay magiging boring ang taekwondo class. For sure, it will be dominated by boys rather than girls.


"Bakit medyo na lang?" Takang tanong ni mama. Well, I can't blame her because when we got inside the car to made our way to this 'La Bern Summer School' ay masyado akong excited tapos ngayon nagbago bigla.


"Kasi baka walang girls sa taekwondo class eh. You know mama, weakness ko ang mga pretty girls." Nakalabing sabi ko.


Tumawa ang mama ko at kinurot ako sa pisngi. "Ikaw talagang bata ka, Benjie." Sabi nyang umiiling-iling pa. "Kabata mo pa ay mahilig ka na sa mga babae, paano pa kaya kung maging binata ka na? Pasasakitin mo yata ang ulo ko eh."


"Well, I am just being appreciative. Masama bang maging mahilig ako sa mga pretty girls gayung isa po akong boy?" Inosenteng tanong ko sa mama ko.


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon