Second year. First Semester.
June 18, Monday.
Ayoko talaga magkaron ng klase tuwing Monday! Unfair kasi. Yung tipong hindi naman talaga office hours sa school niyo pag Monday pero andun kayo, may instructor at nag-aaral. Kahit pa 3-hr laboratory lang naman ang papasukan ko, nakakatamad pa rin. Mehe~ Sayang effort kasi.
Pero nagbago yun dahil first meeting pa lang namin sa subject na yun, ginanahan na agad ako.
I never liked Physics. Duh?! Gravity, acceleration, uniform motion, projectile, trajectory and circular motion s#its. Oh please! Not my thing.
But wait!
Ikaw ba naman ang magkaron ng classmate na gwapo! Yung gwapong simple. Ah…basta. Parang nababasa ko lang sa wattpad. Mukhang mysterious, mukha ngang anime eh. Ang ganda pa ng buhok. Ahihihi. :D
Nakaupo siya sa opposite ko since tables and chairs ang set-up ng lab. Dalawang mahabang tables. Ang tahimik niya. Pero ‘pag yung katabi niya ang kausap niya, ang ingay!
Nakakatuwa nga dahil buong three hours na yun, tawa lang kami ng tawa. Ang cool kasi ng instructor. Ang kwela niya. Hindi mo iisiping totoo ang mga sinasabi niya sa pagtuturo dahil kahit siya mismo, mukhang joke! Hahaha! (Sus, hindi niya ito mababasa!) Tapos siya, ang cute rin niya tumawa. Ang ganda ng mga mata! Tuwing mapapatingin ako sa kanya tawa lang kami ng tawa. Ang gulo kasi ni ser.
Natapos ang araw na yun na hindi ko nalaman ang pangalan niya. Nung nag-attendance kasi kami, hindi lang signature ang hiningi kundi pati pangalan at email address! Ayan tuloy, hindi ko mahanap kung alin siya kasi kailangan ko pang bilangin kung ilang tao ang pumirma pagkatapos niya. Baka may makahalata!!
After ng konting discussion ay nagbilang na kami for the groupings. Todo hiling ako na sana magkagroup kami!!! Pero shemay lang!!! Yung superclassmate/blockmate/highschool classmate/friend ko na katabi ko ang kagroup niya!! Group 1 ako, group 2 siya. TT^TT
Inggit na inggit talaga ako kay Juan. =_____=
Napakinggan ko pang tinanong niya yung katabi niya kung anong number nun. Baka para siguro i-sure niya kung group 2 ba siya o group 1! Feeling ko kasi gusto rin niyang maging groupmate ako! Mwahahahah! ^____^
Ngiting-ngiti naman ako nung dismissal na. Kasi classmate ko siya sa lab! Ibig sabihin, classmate ko siya sa lecture class!! Kaya 3 times a week ko siyang makikita! Woot! :DD
**
Buong week na yun, nakikita ko siya araw-araw. Tuwing matatapos kasi ang 7-10am laboratory class ko sa MicroBio at Botany ng Tuesdays and Thurdays, at uuwi ako sa apartment namin, nakikita ko siya sa may tindahan bago ka makapasok sa Raymundo gate. Siguro tumatambay lang rin siya dun. (O baka naman para makita ako! Hahahha)
Tuwing Wednesdays and Fridays ko siya nakikita sa lecture pero hindi ko pa rin alam ang full name niya. Basta alam ko lang “Joshua”. IKR, hindi bagay sa mukha niya. Feeling ko kasi pang-bata ang Joshua. Mukha siyang hindi bata! Ang bagay na pangalan sa kanya ay “Kevin” o kaya naman ay “Red”. Hahahaha! Oo! Yun talaga ang nasa isip ko nung napakinggan kong tinawag siya ng isa niyang kakilala at napakinggan ko ang pangalan niya.
On the second Monday class, hindi ko na siya katapat sa table kasi nga by groupings na ang pag-upo. Hindi ko na siya matititigan! Pero nakakasulyap-sulyap naman ako ng pakonti-konti! :”>
Nalaman ko na nga pala ang totoong pangalan niya!! “Joshua Santos”
Tinandaan ko talaga yun para makapang-stalk ako sa fB niya! Dakilang stalker talaga ako!
Kinuwento ko naman kay Juan yun! Sabi ko may crush ako na classmate namin sa physics lab. Nahulaan rin naman niya agad kung sino dahil si Josh lang naman ang nag-iisang gwapo sa klaseng yun! Okay, isama na rin natin si Juan dahil kaibigan ko naman siya at mabait naman siya! XD (Aruuuy ililibre niya na ulit ko! Oy Juan, you should treat me! Lels)
The next day after ng class namin sa Bio ng 7pm, nag-decide kami ni Juan na kumain muna ng dinner bago niya ako ihatid pauwi. Scary kasi sa daan papunta sa apartment namin. Shempre nilalakad lang yun, pwedeng sakayin kaya lang 16 pesos na agad. Aba, pang-turon na rin yun sa BioSci! Di na uy!
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists