People like you

114 7 5
                                    

People like you

“Just like an oil in a glass of water, the oil is finding itself, that’s why it separates from the water. But just like now, it’s not that easy to find your own, and to find where you really belong.”

Ano nga ba talaga ang totoo sa likod ng realidad ng mga tao ngayon sa mundo? Kung sa tingin mo ay totoo lahat ng mga tao sa’yo o sa sarili nila. ISA IYONG MALAKING PAGKAKAMALING AKALA!

Hindi lahat ng taong nakikisama at nakakasama mo, ay sila talaga iyon. Kung minsan ay sila ang kasama mo, pero hindi talaga sila ‘yon. Magulo diba? Oo magulo talaga, pero kung sisisid ka sa dagat ng realidad, malalaman mo’ng hindi lang pala ang panlabas na realidad ang totoong nangyayari. There’s so much more ‘bout that. And for now, it’s just about to come out.

Una sa lahat, ang mga taong nakakasalimuha mo araw-araw. Isang magandang halimbawa diyan ay sa iskwelahan, hindi ba’t sa iskwelahan ay kailangan mong makisama?

Mauna tayo sa sarili mo, aminin mo man o hindi, panigurado ay nagpipigil ka ng utot mo sa school, nagpipigil ka ng malakas na pagbuga ng dighay, nagpipigil kang tumae, iniiwasan mo ang mga bagay na alam mong kakainisan ka at mapapahiya ka. Hindi ba’t ginagawa mo iyan?

Simple lang, dahil ayaw mong mabahiran ka ng masamang imahe sa mga tao sa paligid mo, ilan lang iyon sa mga simpleng halimbawa ng pagtatago ng tunay na ikaw. 

Oo sa mga halimbawa na iyon, masasalamin mo ang  pagkukunwari, dahil sa’yo mismo nagsisimula ang pagtatago ng totoo mong ugali. Dahil ang gusto mo ay magagandang bagay lamang ang makita mula sa iyo.

Pero diyan tayo lahat nagkakamali, hindi maaring puro kagandahang asal at panlabas ang ipakita mo, nobody’s perfect ika nga, kaya hindi naman masamng ipakita mo ang mga ugali mong may baho rin, dahil kung ang utot nga mabaho, pero diba hindi naman masamang umutot ka? Parang ganun lang din ‘yon.

  Wag kang matakot maglabas ng tunay mong kulay, dahil baka sa pagtago mo ng maitim mong kulay ay mas lalong umitim yan at pag hindi mo nakaya ay mailabas mo. Diba't mas pangit ung ganon?

You just have to think straight and let yourself be true. 

The truth will set you free.

You have to let yourself getout of that pre-perfect box. Dahil sabi nga sa kanta ni Kelly Clarkson… “Everybody has a darkside.” Nasa mga tao sa mga paligid mo na lang ang desisyon kung paano nila tatanggapin ang mga pagkakamali at mga imperfections mo.

I’m not saying that you should do bad things para lang masabing nagpapakatotoo ka, I’m just warning you to let your dark side be free, mas maganda na iyon, kesa itago mo yang kumukulong libag sa loob mo.

You can say “I’m alright.” Kahit inis na inis ka na, pero hinding hindi mo maloloko ang tunay mong nararamdaman. Ang powers mo lang ay ang pagtakpan ang mga ito gamit ang pagsasabi ng mga kabaligtaran nito, or in a good way.

Sa sobrang dami ng Ironies of life, napapabilang na doon ang sarili mo at unti-unti mo narin niloloko ang sarili mo. At ang ibang tao…

You can’t just be the perfect person right there. Standing straight and faking smiles. LET YOURSELF BE FREE.

Katulad ng ibon na kinulong mo, gustuhin man niyang lumaya, hindi niya magawa dahil nasa’yo ang desisyon kung bubuksan mo na ba yung kulungan o hindi. Nasakanya din ang desisyon kung lilipad ba siya palabas ng kulungan kapag binuksan mo na iyon.

It’s all in you. Hawak mo ang kapalaran mo, ang desisyon mo. Ikaw nakakaalam kung ano ka talaga.

Some people say “Minsan, ikaw pa mismo hindi mo kilala ang sarili mo.”

Sometimes yes, hindi mo pa lubusang kilala ang sarili mo, because it takes time para ma-figure out mo lahat ng ugali mo.

Pero ikaw mismo ang makakaalam ng tunay na ikaw, ikaw ang makakakilala ng lubusan sa sarili mo. Kaya utang na labas at loob, wag mo naman lokohin ang sarili mo.

Aminin na natin ang katotohanan na mas mahirap nga magpakatotoo kesa magtago sa likod ng katotohanan.

Bakit? Dahil sa simpleng fear na namumuo sa utak natin. Na baka hindi tayo matanggap ng karamihan. O mas masaklap ay ng sarili mo mismo.

Pero kaya nga may sinasabing “Change for the better.” Diba? Alam mo naman na sa sarili mo kung ano ang tama at mali. Kaya dapat alam mo na din kung ano ang gagawin mo.

We’re not perfect, but we can think perfectly so that our imperfection can be better.

Walang kung sinong Poncio Pilato pa man ang makakadiscover sa totoong ikaw. You hold your true being. You just have to take and grab the opportunity to ride the coaster of life to be able to find out who you really are.

That’s the hidden reality behind you.

Maaaring ikaw ang nagpapakita ng mga ugali mo, pero hindi ibig-sabihin ‘nun ay ikaw na talaga iyon.

“Sometimes, you have to dig deeper to find the real treasure.”

----next

 Dedicated to you and to ate shimmer dahil nainspired ulit akong gumawa ng one shot:)

Hidden RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon