Previous Page of 5Next Page

Forever and Always. ❤

Dedicated to
whenitcomestolove
spinner.gif

Chapter 27 – Not like the movies

 

 

NICOS’ POV

 

“Sana ako na lang… Ako na lang ulit…”

 

 

Nanunuod kasi ako ng One More Chance. Kasi naman tong si Popoy at Basha eh. Nakakaiyak. Sa dami ng pinanuod kong movie ngayong araw, One More Chance lang yung natipuhan ko. Wala kasi si Kath e. May kailangan silang ayusin ni Julia sa school. Uuwi din naman daw mamayang gabi. Oh well. Girl’s day out. Bawal tumutol. HAHAHAHA.

 

 

Sino na sainyo ang nakapanuod ng One More Chance? Grabe noh. Oo, lalaki ako pero naiiyak naman ako dito. :( Nakaka-relate. Ganda nung movieeeee. Iniwan ni Basha si Popoy kasi she thought hindi na sila pwede ni Popoy kasi controlling at madami pang factors. Bottomline is, nung bumalik si Popoy sa barkada, na may girlfriend, dun lang na-realize ni Basha na, mahal niya pa si Popoy. Pero hindi eh. May girlfriend na si Popoy. Huli na ang lahat.

 

 

Maaring mahal pa siya ni Popoy PERO andyan na si Trizia. Yung girlfriend niya.

 

 

Gets niyo ba? HAHAHAHA. Sigurado naman ako na napanuod niyo na din to. Teka nga, sisinga lang ako. -_- Nakakiyak kasi e. Sarap sabihin nung salitang yun kay Kath.

 

 

“Sana ako nalang… Ako nalang ulit..”

 

 

Pero hindi na e. Things change and so does people.

 

 

Isa yan sa mga natutunan ko. That is one thing that sucks about distance. Hindi mo alam kung mamimiss ka nila o kung makakalimutan ka nila. Feelings change. Apparently, mine didn’t.

 

 

I was to assured na pag bumalik ako, Kath and I would fulfill the promises we made. Pero tanga ko e. Ilang taon pa ba kami nung nauso yung sumpaan na yon? HAHAHAHA. 8 or 9? Hmm. Bat kasi di ako nagparamdama e. Isa rin akong tanga. -_-

 

 

Alam niyo yung masaklap? Yung “love” story naming ni Kath. Nagsimula bilang magbestfriend pero dun na din magtatapos. Alam ko e. Alam na alam ko na SIYA NA TALAGA. Wala naman kasi siyang ibang katulad. She was different. Good different. She was my cheerleader; my bestfriend; mom; dad; brother; sister; teacher; partner-in-crime; she was then my girl.

 

 

Bakit nga ba THEN MY GIRL? Kasi noon talaga, kami lang eh. Akin lang siya. Tapos ako, kanya lang. Alam niyo yun. Ang daming naiingit sa samahan naming miski noon. Talagang solid kung solid e. Walang iwanan. She was that girl na hindi mo na pakakawalan.

 

 

:(

 

 

Pero yung PINAKA MASAKLAP? Yung na sayo na pero pinakawalan mo pa.

 

 

KATH’S POV

 

 

“Namiss mo si Nicos?” Tanong ni Julia. Nandito kasi kami sa Gloria Maris. Malamang kumakain. HAHAHHA.

 

 

“Oo naman. Ikaw ba?”

 

 

“Oo din. Pero syempre, twins separated at birth kayo! HAHAHAHA”

 

 

Ngumiti na lang ako at kinain yung lomi ko.

 

 

“Bat para kang nalugi?” Tanong niya.

 

 

“Wala wala. Bes, ayos ka lang ba umuwi magisa? Kikitain ko pa kasi si Aine. Kailangan kong makausap e.” Ako.

 

 

“Naman. Magkikita pa naman kami ni Diego e. Text mo nalang ako pag kasama mo na si Aine ah?”

 

 

Tumayo na ko at bumeso sa kanya.

 

 

Dumirecho na ako sa bahay nila Aine. Rest day niya daw e. May sakit kasi si Kimpoy kaya wala tong ka-bonding. Niyaya niya naman daw si Dj pero medyo out of the weather. KAya daw ako nalang. Kailangan niya din naman daw ng girl company.

 

 

“Kath, upo ka. Kukuha lang akong pagkain.” Umupo na ko sa mala-mansyon na bahay nila Aine. Kumuha siya ng pagkain tapos umupo na din sa tabi ko. In-on niya yung TV at naglagay ng movie.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended