Chapter 13

13.9K 459 27
                                    

Date uploaded: july 19, 2014

AN. Sensya na, ngayon ko lang ako nakapagsulat ulit. Tinamaan ng brown out at nag-coordinate pa ako ng kasal ng sister ko. I'm currently in Baguio at katatapos lang ng kasal ng kapatid ko. Congrats to them, hyungtae Ahn and Leah rose.. yesss! Magkakaroon na ako ng pamangkin na KOREAN! Hahahaha!

Chapter 13

Kat

Kinabukasan ay nag-aayos na kami ng gamit para umuwi na sa hacienda. Si Juaquin ay inaayos ang karwahe na gagamitin namin mamaya sa biyahe. Hindi pa kami nakakapg-usap ng masinsinan tungkol sa mga bagay na nangyari kagabi. Napakarami kong gustong malaman, hindi lang tungkol sa aming dalawa. Gusto ko din malaman ang partisipasyon nya sa kilusan o sa mga rebelde ng gobyerno. Kabilang ba sya sa tinatawag nilang katipunan o iba ang grupo nila? Sino yung dalawang lalake na kasama nya kagabi? Oo, nalaman ko ang pangalan nila, pero ano naman ang role nila sa mga bagay na ito? Si Inigo ay nakita ko sa party ng mga del valle, pero si Salvador ay sa kubo ko lang sya nakita.

Maliban sa kilusan, magkaibigan kaya sila ni Juaquin? E yung mga katipunerong dumating. Sino sila? Mapagkakatiwalaan ba sila? At ano naman yung mga armas? Si Juaquin ba ang supplier nila? Hindi ba't delikado ang giangawa nilang ganon? Paano kung mahuli sya? They will not hesitate to execute him, kahit na mataas ang katayuan nila sa buhay.

si Jose Rizal nga, na-excile na, ginawa pang shooting target. At ano yung narinig kong may tumatraidor sa kanila? Hindi kaya isuplong sila sa awtoridad? Oh my gosh! As much as napaka-noble ng ginagawa ni Juaquin para sa bansa, parang hindi ko maaatim na makita syang mapahamak! Kung pwede ko lang syang kumbinsihin na wag ng sumali sa laban na iyon. Meron pa namang ibang tao dyan.

Bumaba na ako sa salas at nagulat ako sa nadatnan ko don. Anong ginagawa ng mga Del Valle dito? At kasama nila si Amour.

"Katrina, nandito ka na pala. Maaari na tayong bumalik sa hacienda." Sabi ni Dona Estelita.

Sinalubong ako ni Nicolas, and without permission, kinuha nya ang kanang kamay ko at hinalikan ito.

" Magandang umaga, magandang binibini." I tried not to roll my eyes, instead, pinilit ko na lang ang sarili kong ngitian sya.

"Magandang umaga din Nicolas."

"Maaari bang ikaw ang maging kasama ko sa karwahe pabalik ng inyong hacienda? "

"Sasama ka sa hacienda?" Tinignan ko sya ng masama. I looked inquiringly at Dona Estelita.

"Si Amparo, Nicolas, kasama na rin si Amour, ay doon muna sa hacienda tutuloy, habang nasa Maynila si Don Gustavo at Dona Amelia."

Ha!!!! Bakit???!! Bakit sila doon tutuloy, may sarili naman silang bahay? At balita ko na ang katabing lupain ng mga mendez ay hacienda naman ng mga Del Valle. Bakit sa mga mendez pa sila magsasabog ng lagim?!

"Confío en que usted se hará cargo de ellos mientras estamos fuera. Esta será una oportunidad perfecta para Juaquin y Amparo para conocer más de cerca." (I trust that you will take care of them while we are away. This will be a perfect opportunity for Juaquin and Amparo to get closer.) sabi ni dona Amelia kay dona Estelita na tumango lang sa sinabi nito.

Ano naman kaya ang balak nitong bruhang ito, dahil as usual ay wala na namang balak ipaintindi ang mga sinabi nya sa akin.

"Bueno, kami ay lilisan na at malayo pa ang aming lalakbayin." DIRETSO NAMAN PALANG MAGTAGALOG E!

"Amour, ikaw ang bahala sa lahat ng kanilang kailangan. Huwag kang kukupad kupad sa pagkilos at nakakahiya sa mga Mendez."

Bakit pinababayaan lang ni Don Gustavo na itratong katulong lang ang kanyang anak? Ang nakakainis pa ay ginagawa si Amour na katulong ng mga kapatid nya!

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon