A/N: Please support my first story here in wattpad. Hope you'll like it. :)
Dedicated to Girlinlove <3 si imbang idol. Hello po. :)
-Ms. D.
PROLOGUE
Nakakatawang isipin kung bakit kahit yung mga maliliit na desisyong ginagawa natin ay nagkakaroon ng malaking epekto sa buong buhay natin.
Yung pagpili ng sasakyang jeep sa umaga, di natin alam na dun sa hindi nating piniling jeep, nandun na pala yung soulmate natin.
Yung pagpili kung maglalakad ka na lang o sasakay ka pa kahit malapit lang, yun pala kung sumakay ka, naaksidente ka na.
Yung kung Mcdo o Jollibee, kung papasok o magcucutting, yung kung saan tayo uupo sa classroom, kung kakaliwa o kakanan, kung didiretso o aatras, kung sisingit o pipila, kung kakain o hindi, kung Blue o Pink, palda o pantalon. NAPAKADAMI. Napakadaming desisyong kailang gawin sa bawat araw.
Sa mga desisyong yun, lahat yun may epekto sa buhay natin. Merong pinagpapasalamat natin kasi yun ang pinili natin, meron namang naubusan ng pamimilian at masasabing “NO CHOICE na e”, meron ding masaklap na desisyon na yung akala nating tama, e MALI pala, at ang desisyon na ayaw natin pero KAILANGAN, na yun ang DAPAT at yun ang TAMA.
Pero ang pinakamasaklap sa lahat?
Syempre yung huli. Yung KAILANGAN, yung kailangan mong kumanan kahit gusto mong kumaliwa, yung kailangan mong pumasok kahit tinatamad ka, yung kailangan mong mag-elevator dahil late ka na kahit gusto mong maghagdan, yung gusto mo ng pumasok sa exit ng mall dahil siksikan na sa entrance pero hindi pwede e, yung ayaw mong magsuot ng ID kasi dyahe pero di ka papapasukin, yung kailangan mong bumitiw kahit ayaw mo. Simple lang naman kasi ang sagot dyan e, kasi yun ang KAILANGAN mong gawin, yun ang DAPAT at TAMAng gawin.
Paano kung ‘yun nga ang kailangan pero hindi naman ‘yun ang kailangan mo?
Handa ka bang ipaglaban ang kailangan mo sa kailangan mong gawin? O sundin na lang ang talagang kailangan?
Paano kung ‘yun ang tama para sa ibang tao, pero hindi na yun ang tama para sayo?
Handa ka bang itama ang akala ng ibang taong tama? O ang sarili mong ‘tama’ ang susuwayin mo?
Paano kung ‘yung dapat e hindi umaayon sa gusto mo?
Handa ka bang gawin ang gusto mo? O piliin ang dapat para sa inyo?
Naranasan mo na ba ito? Yung imbis na torn between two lovers ang drama mo e torn between GOOD or RIGHT ka? Yung kung sino ang masasaktan, kung ikaw ba o siya? Yung kahit na anong piliin mo,
TALO ka?
****
I made up my mind. There is no turning back. He’s been good to me. And he deserves better than this.
“This is a deal, then, Ms. Guevarra.”
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Teejay Marquez | as Kelvin Cruz |
| Yassi Pressman | as Princess Cassandra Guevarra |