Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 6

2.5M 49.8K 37.1K
                                    

Aemie's POV

"Gusto niyo po bang i-report ko na kay Master Eiji at Queen ang nangyari sa inyo ni Mr. Roswell?"

Tumunghay ako mula sa pagkakayuko. Kasama ko ngayon si Cassandra Heather at kausap para magplano sa pagpunta naming dalawa sa auction.

Natural ba sa mga Mafia ang pagiging tsismosa? Bakit pati naman yun kailangan niya isumbong kila Mommy? Paano na lang kung pagalitan ako ni Mommy dahil sa nangyari? Hay! Hindi rin nag-iisip 'tong si Cassandra. Sayang! Isa pa naman siya sa mga idol ko kasi ang galing-galing nila.

"'Wag na, baka makaistorbo lang tayo kina Mommy. Hindi na naman pati siguro nila kailangan malaman pa."

Tumango siya pagkasabi ko nun at ininom ang isang tasa ng kape na tinimpla ko sa kanya.

Buti na lang at mamaya pang gabi ang dating ni Zeke kaya napapunta ko si Cassandra dito sa pink house. "Ito lang ba ang mga i-o-auction?"

May mag-bid kaya sa auction? Eh parang ang boring naman ng mga nandoon. Gems, relics, pati naman mga documents na hindi importante kasama sa mga io-auction. Hay!

"Nope, meron pa po dito."

Tinignan ko ang sunod na folder at—

"Wowww!" Hindi ko na nagawang tignan pa ang ibang pictures dahil napako na ang tingin ko sa larawan ng manika. Hindi siya Barbie kasi ang design niya ay katulad ng mga design na manika sa Toy Industry. European doll. Pero ang ganda niya at—"They said that the original owner of the doll is a daughter of one of richest Mafia bosses. And the said girl passed away three years ago together with her father. They believe na may something sa manikang 'yan kaya kasama sa auction."

Bigla naman akong kinilabutan sa sinasabi ni Cassandra.

Ang creepy kasi parang sa mga horror story ang kinukwento niya. Pero—naiintriga ako. Gusto kong makita at mahawakan ng personal yung manika. Feeling ko rin may something sa kanya. "Mahal kaya to?" tanong ko kay Cassandra.

Sa ganda ng manika, siguro nasa five thousand ang presyo nito kaya naman tingin ko kailangan ko na mag-ipon simula ngayon dahil next week na ang auction. Pero ano naman kayang raket ang papasukin ko para makaipon ng pambili ng manika?

Alam ko na! Magtitinda na lang ako ng fishball hehehe.

"As far as I know, the starting bid for the doll is one and half a million."

"ANO?!" Halos mag-echo sa buong pink house ang boses ko sa lakas ng pagkakatanong ko. S-s-seryoso ba siya sa sinasabi niya? "1.5 m-million?" tanong ko ulit. Baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig.

"Yes, Miss Aemie. Starting bid pa lang 'yon."

Oh my god! Kung piso dalawang fishball, kailangan ko makabenta ng 3 million fishballs sa loob ng 5 days. Huwaaaaa! Huhuhu kaya 'yan! Sasamahan ko na lang ng kikiam, squid balls, kwek-kwek at iba pa para makaipon.

1 message received

SMS From Zeke : I am on my way home. I love you

Waaaaa patay pauwi na si Zeke! "Uhh—Cassandra pauwi na kasi si Zeke—"

Ngumiti siya sa 'kin saka nagsimulang tumayo, at naglakad-lakad ng kaunti papunta sa malaking glass window nitong kusina kung saan tanaw ang dagat. Ano 'yan? Ngayon niya pa natripang i-enjoy ang view kung kailang padating na si Zeke? Huhuhu

"Aalis na rin po ako, Miss Aemie. Contact-in niyo lang po ako kapag may kailangan kayo ipagawa."

Hay, buti naman. "Hehehe, sige, ingat ka ha."

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon