Lumang Sapatos

131 2 0
                                    

Tok-tok-tok, katok-katok-katok. 

Tapon doon, tapon dito ang sapatos na naluma na ng panahon. 

Nakatayo ang batang si Nena habang nakatitig sa sapatos na nasa kanyang harapan. Luminga-linga muna siya sa mataong kanto habang bahagya namang nababangga siya ng mga ito.

Parang manhid si Nena na halos walang pakialam sa mga taong nakakabangga sa kanya, ang ingay at iba pa ay hindi na bago sa kanya-- ipinangsuporta ni Nena ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod, tuwang-tuwa siya sa sapatos ng napuna niya itong pupwede pa at hindi pa patapon, sa pagkakataon iyon ay halos maging banig ang palda ni Nena sa putikan habang dnampot ang pares ng sapatos. Naisip n'ya ang sa kanyang panyapak, madumi, tuklap, na halata sa kupas nitong kulay. Bahagya siyang tumayo at tinanggal ang sariling sapatos habang dali-dali niyang kinuha ang sapatos sabay sukat sa maliit at punggok nitong mga paa. Sa di kalayuan ay natatanaw na pala siya ng kanyang inang halatang nagtataka kung ano ang ginagawa niya,

"Ano bang ginagawa mo dyan ha, Nena?!" Pasigaw na tanong ng ina. 

Imbes na dumiretso sa paaralan ay patakbong bumalik ang bata na nakamutawi sa mukha ang sayang nararamdaman, at agad na napansin iyon ng inang nakatingin sa sapatos na nakasuot sa musmos nitong paa. 

"Nena, anong oras na? Baka mahuli ka na naman sa pagpasok?" aniya.

Walang kibo ang nakangiting si Nena habang bahagyang kumilos ang mga braso nito't inaabot ang sapatos, tinanggal na rin niya ang isa matapos makuha ng ina ang isa sa mga sapatos. 

"Nay, ang ganda ano? Pwede ba nanay akin muna yan para pamasok. Dito ka lang naman sa bahay diba Nay? Sige na, pakiayos nalang para masuot ko na bukas."

Hawak man ng ina ang sapatos ay kay Nena naman siya nakatitig. Ang maamo nitong mga mata na parang desididong nangungusap ang lalong nakapagpabagabag sa puso ng ina. Patakbong nakangiti ang bata habang nakatanaw pa rin ang kanyang ina. Matapos niyon ay nakatuon sa sapatos ang kanyang mga mata. Pabitaw nya itong nalaglag habang parang may tinataguan sa ginawa nitong magtakbo. Sa kabilang dingding ay nakasabit ang larawan ng abang anak. Kinuha niya ito at titig na lumuha sa litrato ng anak. Kinakabahan, ang tanging nararamdaman ng ina sa tuwing naaalala ang anak. Payakap niya itong hinagkan malapit sa dibdib habang may paghikbi ng damdamin.

Napagsarhan na ng gate si Nena ng kanilang paaralan. Nakiusap siya na kung maari pa siyang makapasok ngunit walang sumasagot. Binulabog niya ang baat sulok ng naglalakihang tabla na iyon kaya't ng mainis na ang tagapagbantay ay binuksan niya hindi upang papasukin kundi bulyawan sana ngunit dahil unang naging kapansin-pansin ang sira na nitong sapatos at madumi nitong damit na nasabayan pa ng pawisan at humahangos nitong katawan ay agad namang umiral ang puso ng isang magulang na nagmamahal sa isang anak., dahilan na rin ng katandaan kaya't maaring nauunawaan niya ang kalagayang nasa harapan niya. 

Nakapasok na si Nena na wala pa ring iniisip kundi ang sapatos na napulot niya, kahit na nga nasa silid na ay parang wala pa ring pakialam sa pangaral ng gurong nasa unahan. Natauhan lang si Nena ng namataan niyang lahat ay naghahanda na para kumain na sa kantina ng paaralan. At muli nag-iisa pa rin sya hanggang sa siya na lamang ang natirang nagpupungas ng sarili.

Napatingin si Nena sa sapatos na nagdala pala ng putik sa kanilang silid. Kinuha niya ang bimpong nasa likuran, agad agad na pinunas sa sapatos na bahagyang naputikan, makailang ulit iyon na animo'y mababago pa ang itsura. Patungo na ito sa kantina na ang isip ay nasa sapatos pa rin na kanyang napulot. naglalakbay ang kanyang isip. Sa kawalang sarili ng bata ay natulak siya ng grupong naghaharutan na nasiglahan na naman ng sila ay makakain. Sa gulo ng mga iyon ay nagpasa-pasahan na sa kanilang paglalakad ang isa sa mga sapatos ni Nena, agad na napatindig siya at kukunin sana ang sapatos ng tadyakan palayo pa ito ng tatlong batang lalaki na sutil talaga sa kanilang paaralan. 

Hindi siya nagsasalita kahit kita niyang ang isang pares ay lalong nadumihan at naputikan. Natigilan lang ang mga iyon ng ng makarinig na ng muling pasukan sa mga silid. Malapit na sana siya pero isang lalaking guro ang lumapit sa kanya at mismong dumampot ng sapatos. Sa hiya ni Nena ay yuko nitong kinuha ang isang pares. 

"Kung wala ka nang gagawin, maari ka nang bumalik sa inyong silid." Aniyang Guro

"Kakain pa po sana ako sa kantina.."

"Tutal ay oras na ng pasukan ay hindi ka na maari doon. Ito na lamang tira ko. Hindi ko na ito ipagbibili sa iyo. Sige na, kunin mo na." Isang pansit na nakabalot sa manipis na supot ang iniabot ng gurong lalaki na agad namang kinuha ni Nena at patakbong nagpasalamat. 

Dinig sa lahat ng nadaraanan niyang silid ang tunog ng isang sapatos habang tumatakbo siya. Humahangos na itong nakabalik sa kanilang silid at gaya ng dating mga tingin ay nagiisa pa rin siya.

Ingat na hinahakbang ni Nena ang kanyang mga paa, ito ay dahil sa patuloy na nasisira ang kanyang sapatos na para na siyang lumpo sa paghakbang. 

Nadapa siya. nalapat ang katawan sa lupa at nakasaboy naman ang butas na supot ng pansit na nakadereksyon sa kanyang mga mata. Ito ay dahil lang sa batang kinatisuran niya kanina. Ganun pa man ay tumayo siya at kinuha pa rin ang natirang pansit sa supot. Higpit niya itong dakot sa kanyang kamay na nagging kamao na sa galit ng damdamin.

Umuulan habang tuloy pa ring naglalakad si Nena na parang gusto nang isigaw ang galit na parang hindi niya maintindihan. Ngunit sa lugar kung saan niya napulot ang sapatos ay bigla siyang napahinto at naalalang may magandang sapatos ang naghihintay sa kanya. Binuksan niya ang pinto at natantong halos walang tao na tanging liwanag sa lampara ang makikita. Nakita niya ang sapatos na bago lang sa kanyang paningin ngunit ganun pa man ay nalalaman ng puso niyang para sa kanya iyon.

“Nariyan ka na pala..” bati ng kayang ina.

“Anak, mukhang sobra ka yatang nabasa. Siguro para ka na namang kuneho maglakad ano? Hala, sige magpalit ka na habang nililinis ko ang tulo dito.“

Walang pakealam si Nena sa narinig na utos ng ina.

“Ah ayan ba, nakalimutan kong sabihin na hindi pwedeng paliitin ang sapatos na napulot mo, pinalit ko iyon dyan sa kapitbahay natin dahil malalaki na naman ang mga anak niya. Pasensya ka na anak, ha.“

Pero sa halip na punasan ang sarili ay hinubad na lamang nito ang suot na sapatos at sinukat ang kanyang nakita.

“Okey  na ito, Nay!“ at sa halip na hubarin ay pinanlakad pa niya ito sa loob ng kanilang barong-barong.

Nakatitig lang ang ina nito habang may pagkaawa. Samantala, inabot naman ni Nena ang piraso ng basag na salamin upang masilayan ang sapatos. Lumapit ang kanyang ina, hinagkan ng mahigpit ang anak kahit na nakatalikod ito. Tiklop ang tuhod ng ng kanyang ina subalit mas masakit sa damdamin ni Nena na marinig ang hikbi nito.

Sa pagkakataon na iyon, nabitawan niya ng unti-unti ang salamin na hawak niya gayundin sa kabila ng kanyang kamay ang supot ng isang dakot na pansit na pasalubong niya sa kanyang ina na nabasa na ng ulan. Hindi nya maintindihan sa gulang niyang pito, wala siyang maunawaan.

Basta sa araw na iyon, napagalaman niyang ang ulan ang mabisang panakip sa damdaming pilit lang pala niyang tinatago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lumang SapatosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon