Chapter 57

23.9K 297 26
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

-THREE WEEKS LATER-

PERTH, AUSTRALIA. Hinagis ko ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod. Karaniwan kasing puno ang diner na pinagtratrabahuan ko kaya naman ay ngarag ako lagi pagkatapos ng araw. Well, top notch naman kasi ang seafood specialty nila kaya dinadayo ito.

"Five minutes na higa then luto ng dinner," paalala ko sa sarili ko habang nakahiga at nakapikit. Malapit ko ng makuha ang tulog ko nang tumunog ng sunod-sunod ang doorbell. I lazily walked towards the door. Sumilip ako sa peephole at isang take out box mula sa diner na kinakainan ko ang nakita ko. Sino naman daw 'to?

"Who's there?" tanong ko mula sa intercom.

"Your boyfriend," sagot niya.

"I don't have one. Get lost."

"You've got one now. Open the door, I'm starving," sabi nanaman niya. Hindi talaga pamilyar sa akin ang boses eh.

"Wow, gusto ko lang matulog. Sino ka bang distorbo ka..." I muttered.

"Buksan mo na 'tong pintuan, nangangawit na ako eh," sabi nito. Sumilip ulit ako sa peephole. Anong ginagawa ni Ryan Lee dito?!

* * *

Ryan Lee Sanchez – POV

"Ang ginaw dito sa labas, buksan mo 'tong pintuan," tawag ko sakanua. Ilang minuto na kasi ang lumipas pero hindi parin siya nagsasalita.

"You're on the wrong apartment!" halata sa boses niya na natataranta siya.

Muntik akong matawa sa mga reaksiyon niya kanina nang una akong nagbuzz. Siguradong hindi niya nakilala ang boses ko dahil namamaos ako. Wrong timing naman kasi itong sakit ko. Dumagdag pa ang jet lag at ang malamig na panahon dito ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ubo nang biglang magbukas ang pintuan niya.

"Finally. Puwede bang pumasok?" pilit na sabi. Naubo nanaman ako.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" hindi niya ako matignan ng diretso.

"Sa application ng phone ko. Madali lang hanapin dito kasi may streetview na nga, eksakto pa ang mga address search sa—"

"No! I mean, ako. Paano mo ako nahanap and more importantly, why?"

Gusto ko siyang sagutin ng maayos pero nahihilo talaga ako. Napasandal ako sa may gilid ng pintuan. Ramdam ko rin na pinagpapawisan ako ng malamig.

"Can I come in? I'm really sick," iba ko ng usapan.

"S-sa ospital ka pumunta. Malapit lang naman iyon dito tsaka may isang Filipina nurse na mabait doon," iwas na sabi niya. Wala, hindi ko na talaga kaya. Dalawang araw na ako dito at sunod-sunod nga ang ulan dagdag pa na maginaw talaga dito. Umupo ako sa kinakatayuan ko.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon