Pag Ibig ko sayo'y totoo

63 1 0
                                    

>/ A/N] Eto na po . Uhm , Naisip ko lang to kaninang madaling araw (Mga 3am) ♥ Nung kasagsagan na naggagawa ako ng UD ng MSL :D parang may naamoy akong mabango, tas sinusub ko ung mukha ko sa Unan, sabay sabing nakakagutom ung amoy, lumabas ako ng dahan dahan sa kwarto, nakita ko si papa sa kusina kumakain xD at ayon nakikain ako, tapos may radyo si papang maliit, may narinig akong kanta(Pero di ko alam ang title ang tanging nasa isip ko lang na lyrics ih ung "PagIbig ko sayo'y totoo"), at may pumasok sa isip ko at eto na nga un :

♥ Vote

♥ Comment

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa dinami dami ng babaeng makikila ko bakit ikaw pa? Sa dinamidami ng babaeng nakikita ko, bakit ikaw lang? Sa dinami dami ng  babaeng mamahalin ko, bakit ikaw? Bakit nga ba? Ang dami kong katanungan sa sarili ko na di ko naman masagot, pero eto lang ang masasabi ko MAHAL KITA AT HINDI KO ALAM KUNG BAKIT.

We were just strangers back then , pero eto ako ngaun minamahal ka, minahal ka ng patago. Sinubukan kong lumapit sayo, pero natatakot ako, ayokong masaktan ka. Gusto kitang kausapin kaso natatakot ako baka hindi mo ko pansinin.

Lage ko siyang tinitignan sa malayo, minsan Stalker na ang tawag ko sa sarili ko dahil kung nasaan siya, andun din ako. Hindi ko siya papabayaan, aalagaan ko siya kahit sa malayo, poprotektahan ko siya kahit man hindi niya alam. Masaya na kong ganto, Masaya na kong nakikita siyang masaya kahit pa sa PILING NG IBA. 

Yan ang isa sa dahilan kung bakit di ko siya malapitan at patago na lang ako kung magmahal sakanya, sa tingin ko naman ay mahal nila ang isa't isa, kaya hahayaan ko na lang siya masaya naman siya e, pero patuloy pa din akong magmamahal sakanya, ayokong sumuko sa ginagawa ko , dahil baka pag sumuko ako tsaka ko magkaroon ng  pagkakataon, pagkakataong gawen ang lahat para ako naman ang pamansin niya.

Nandito ako ngaun sa Coffee shop at syempre sino pa bang pakay ko dito, edi ung mahal ko na inaantay ung mahal niya. Masakit pero kailangan tanggapin.

Matagal na siyang nagaantay dun, matagal na din akong nakatingin nagbabantay sakanya. Siguro limang oras na din ang nakakaraan wala pa din ung lalaking inaatay niya. Nagiiba na ung aura niya, parang napapaiyak na siya sa sobrang tagal ng pagiintay niya. Pupuntahan ko na ba siya? Lalapitan ko na ba siya? Gusto ko siyang pasayahin. Gusto kong mapansin niya din ako, gusto kong ako naman ang tignan niya.

Tumingin ako sa wristwatch ko 8:30pm na, pero wala pa din ung lalaki, tatayo na sana ako pero bigla siyang tumayo at ang mga luha niya ay pumatak at dali dali siyang lumabas sa Shop, Hindi ko alam pero sinundan ko siya.

"Ella" Hinawakan ko siya sa braso niya habang ang mga luha niya ay patuloy na pumapatak.

"Sino ka?" Nakatingin siya, ang malulungot niya mata ay nakatingin sa mga mata ko.

"Ella!" Nung narinig ni Ella ang boses na un, bigla siyang napangiti at alam kong di para sakin un, unri unti kong binitawan ang braso niya, Ayokong tumngin, ayokong lumingon dahil baka pag nakita ko sila un na ang katapusan ng lahat ng ito.

"Kris!" masaya niyang binanggit ang pangalan ng mahal niya.

"Ella, Please. Will you Marry Me?" - Kris 

Eto na ba? Eto na ba ang katapusan ng lahat? Di ko manlang naamin na mahal ko siya?

"Yes! Yes! Yes Kris I will Marry you! Iloveyou" Sabi ni Ella na masayang masaya.

At sabay nun ang pagpatak ng luha ko, unti unti akong lumayo sakanila. Ang saket ng nararamdaman ko. Gusto kong isagaw kung gaano kita kamahal pero di ako binigyan ng pagkataon. Sana maging masaya ka Mahal ko, sana maisip mo na may isang taong Nagmamahal sayo ng totoo at handang masaktan para lang sa kaligayahan mo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

>/ A/N] Maikli lang pasensya na ! hahaha ♥ ♥ sana magustuhan niyo ! Ilove you All

Walang Kanta kasi di ko siya mahanap. kaya pagpasensyahan niyo na! ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT STORIES/ONE SHOTS - COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon