Previous Page of 8Next Page

Secretly Married .ƒĢ. (Published & Soon to be a Major Motion Picture)

spinner.gif

Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

Tweet us at

@SummitMedia_PH

@glimmerwattpad

Read before you vote

Secretly Married Special Update 5

Nagulat man ang audience sa di inaasahang paglabas ni Elisa bilang co-host sa interview ng magasawang Fuentabella, mukhang nakabawi naman agad ang mga ito. Marahil gawa na rin ng floor director sa gilid ng studio na nagco-coach ng pagpalakpak, isang masigabong palakpakan ang nagecho sa kabuuan ng studio bilang pagacknowledge ng ‘full house’ personalities na nandodoon.

“Hi! Hello everyone! Haha.” Tinanggap ni Elisa ang mic. “Thanks Vince. Thank you. It’s such a great honor, to be part of this show.” Bati ni Elisa sa audience at sa harap ng bawat camera sa loob ng studio.

“Hi Ms Elisa, welcome to our sh—”

“Alam mo Vince, when they asked me to be a co-host for this afternoon, I was having second thoughts pa due to my busy sched...” Naputol ang sinasabi ni Vincent Cruz ng biglang muling magsalita si Elisa. “…pero when they mentioned Kent will be here, naku, no questions, anything for Kent. Di ko nga alam na kasama din pala si Phoebe.”

O____O

Di alam ni Phoebe kung ano na talagang mararamdaman. Unang-una kasi, ang sama pa rin ng loob niya kay Kent sa mga sinasabi at ikinikilos nito simula ng makita ang damit niya. Kung magkabati lang sana sila ay lalapit siya dito o hahawakan ang mga kamay nito para maconsole ang nadagdagang inis sa sinasabi ni Elisa. Nilingon nya na lang ito.

At sa lalong ikinasama na naman ng damdamin niya, nakita niyang todo ngiti pa ang asawa habang nakakikinig sa sinasabi ni Elisa.

>__<

Nakangiti???!!! Umaarte lang ba siya dahil nasa harap kami ng camera? O talagang natutuwa siya… na kahit ano gagawin para sa kanya ni Elisa? Ugh ‘Anything for Kent’ daw? Anong sinasabi niya? Isip-isip ni Phoebe habang nakatingin kay Kent sa tabi niya.

Di niya alam kung anong ikikilos at iisipin niya niya. Parang feeling ni Phoebe, may spotlight na nakatutok sa dalawang mic na nasa harapan niya. Ang mga microphones ay para sa kanila talaga ni Kent, sa pagsagot nila sa mismong interview. Pero sa paningin niya, parang may kung anong pwersa ang umanyaya sa kanya para kuhanin ang mga mic at at ibato ng malakas na malakas sa harap niya. Sa kinaroroonan ni Elisa.

>O<

Shucks ano bang naiisip ko. Sumasama na yata ang utak ko. Nagiging brutal na ba ako??? Kasi naman, si Kent kasi, alam na ngang… alam na ngang magkaaway na kami ngayon, nginingitian pa si Elisa. Siguro nagagandahan siya sa suot ni Elisa. Bagay na bagay lang. Pang artista lang talaga. Kutis artista. Ngiting artista. Samantalang ako, ang pangit daw. Baka kaya ayaw niya ng damit, kasi di maihahalintulad sa normal na isinusuot ng mga bigating artista. Tulad nila. Haiee.

=___=

Napaiiling siya. Hindi na rin niya masyado marinig ang iba pang sinasabi ni Elisa… ang mga PR nito at simpleng pagpa-plug ng sandamakmak nitong sponsor. Habang pinapaalis niya sa utak niya ang brutal na thoughts niya about sa pagbabato ng malaki at magbigat na mic, pilit niyang pinapalabas na lang sa kabilang butas ng tenga ang ibang mga sinasabi ng dalaga.

Previous Page of 8Next Page

Comments & Reviews (4310)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

SM Special Update 5

Cast

cast undisclosedas cast undisclosed

Who's Reading

Recommended