Chapter Sixty Three- More Lies

542K 8.4K 2.2K
                                    

ZYLIE's POV

“TABA!”

“HA?!” nagulat ako kay kuya Zeus. Nakapasok na pala siya sa kwarto ng hindi ko namamalayan habang nakatulala ako sa may bintana. "N-nandyan ka pala kuya. Bakit di ka marunong kumatok."

"Tsk tsk tsk. Four times taba. Apat na beses akong kumatok. At hindi mo narinig dahil lutang ka na naman... Anong meron?"

“H-ha? Meron? Walang meron.” lutang talaga ako. Eto lang talaga yung Christmas break na gusto kong matapos na. Inip na inip na kasi ako dito sa bahay. Parang ang tagal-tagal kapag wala kang magawa kundi umupo lang o humiga sa kama.

“Magkwento ka, sabi ko.” Dinikit ni kuya yung upuan niya at inakbayan ako. Ganito naman si kuya eh. Ang sabi nila, madalas daw magkaaway ang magkasunod na magkapatid. Ang middle child daw ang pasaway, at may issue dahil sa middle child syndrome. Dahil ang pinakamatanda daw ang privileged, at ang bunso ang pinaka-baby. Ang middle child daw ang walang niche sa family.

Pero sa pamilya namin, masasabi kong si kuya Zeus ang may pinaka-walang issue. Walang attitude, walang problema sila mama sa kanya. Hindi tulad namin ni kuya Zac. Si kuya Zac na bigla-bigla na lang mawawala, hanggang nasa Canada na pala. Paminsan nakikita ko na lang na umiiyak si mama dahil sa kanya sa di malamang dahilan. Masyadong mahigpit, masyadong malinis. Minsan hindi maintindihan dahil parang walang pamilya at nagrerebelde. 

Ako naman, palaging nadidisgrasya, palaging nasusugatan. Tapos may mga issue na ganito kahit palaging sinasabi nila na ang bata-bata ko pa at pinasasakit ko na daw ang ulo nila. Pag si kuya Zac naman, ang tanda-tanda na naman daw at ganun pa rin. 

Sa amin, si kuya Zeus ang nagnu-neutralize sa lahat. Ang kakalmahan. Ang kasipagan. Ang bukas ang puso at kalooban sa lahat. Nag-aalala na nga ako at baka nawawalan na siya ng oras sa personal niyang buhay dahil sa pagaalala at pagsuporta sa'ming lahat.

“A-anong ikkwento ko?” pagmamaang-maangan ko. Pero hindi ko naman talaga alam kung anong ishe-share kay kuya kahit gustong-gusto ko na. Alam ko naman na magkakampi kami sa mga bagay na ganito. Palagi niya naman akong kakampihan laban sa iba, pero papagalitan sa loob kapag kami-kami na lang para itama ang mali ko. Pero anong sasabihin ko? Isusumbong ko ba si Silver? At anong isusumbong ko sa kanya? Na naghihinala ako na nagpunta si Silver sa ibang babae? Bakit? Mag-asawa kami para mag-akusa ng ganun? At wala rin naman akong ebidensya eh. Yung text lang ni Bettina na nagpunta pala si Silver sa kanila.

“Hmmm... Makikinig si kuya. Hindi ka aasarin ni kuya, promise.” Eto na naman si Kuya. Nagsasalita na naman in third person. Alam kong seryoso siya pag ganyan. 

“Kuya, lame eh.” Panimula ko. Niyakap ko yung bewang ni kuya. Ganito yung panahong nasasabi kong ang swerte ko may kapatid ako. Swerte pa rin ako kasi may Kuya Zeus ako.

“Sige lang, yakap ka lang sa macho mong kuya, habang nagkkwento ka. Ano? Naramdaman mo ba yung abs ko? Nagbunga na ba ang pagbi-build muscles ko?"

"Build muscles ka diyan." Imbes na mamumuo na yung luha sa mata ko, muntik na akong mapatawa. Baliw talaga ni kuya. Eh ang payat niya nga. May pera ba kami para mag-gym siya? Siguro kung hindi niya binibigay para sa bahay at sa lahat ng pangangailangan ang sweldo niya, siguro kung nagpapadala ng maayos si kuya Zac, hindi magiging ganito si kuya Zeus. Pero sino ako para sisihin si kuya Zac? Sabi ko nga, may kanya-kanya kaming issue. 

“Haha. Pinapatawa lang kita. Alam mo ba daw, kapag nahipan ka ng masamang hangin, forever ng magiging ganyan yung mukha mo. Gusto mo ba nun?"

"Nyeeh. Hindi naman totoo yun eh. Meron bang ganun, nahipan lang ng hangin, stuck na yung mukha?”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon