Chapter 8 - ZharmQuen

15.4K 228 36
                                    

Chapter 8

Enrique's POV

Aba! Akalain mo un, may POV rin ako? Haha! Nga pala Enrique Gil mga dre. May gusto ako kay Kath kaya lang mukha namang wala akong pag-asa sa kanya e. Di bale marami pa namang ibang babae jan e. Haha! Andito nga pala ako sa school hinihintay ko si Zharm. Inaya ko kasi siyang mag-practice ngaun e. Dapat kasi si Kath na lang yung partner ko e para masaya.  Time check: 10:20 am na? Eh? Bakit wala pa siya?  Ang tagal naman nun.  Ang ayaw ko pa naman sa lahat e ung pinaghihintay ako. Makapagmuni-muni nga muna. Teka, ano kayang kakantahin nami---


"Enrique! Sorry natagalan ako." Hay sa wakas andito na rin si Zharm.  "Ok lang, so ano tara na?" Paaaya ko sakanya. Napakatagal naman kasi niyang dumating . Ang daming nasasayang na oras. tss


"Ha? Akala ko ba magprapractice tayo?" Tanong niya. "Oo nga pero syempre hindi dito." Sagot ko. "E? Saan tau magprapractice?" Jusko naman! Ang daming tanong. Late na nga napakakulit pa. Nakakaaksaya ng oras.



"Try mo sa library." I said sarcastically. Tinignan niya ako, yung tingin na gulat with matching kunot ung noo. "Ibig kong sabihin mas maganda siguro kung sa bahay ko na lang tayo mag-practice." Pagpapaliwanag ko sakanya. Please lang Zharm tigilan mo na yung katatanong mo.Nakakairita na talaga.



Zharm's POV



Papunta na kami ni Quen sa bahay nila. Nakasakay kami sa kotse niya. Grabe nakakabingi ang katahimikan. Wala ni isa samin ang nais magsalita. Gustuhin ko mang kausapin siya, kwentuhan siya o magtatanong ng kung ano ano, di ko magawa. Paano ba naman kasi obvious na obvious naman na naiinis siya sakin. Sa tuwing kakausapin ko siya. Sa tuwing magtatanong ako. Sa tuwing magsasalita ako. Iniisip ko nga kung bat siya ganun sakin eh. Ano bang kasalanan ko sakanya? Hay.



Sa kaiisip di ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila. "Zharm baba na, andito na tayo." Ay! Anak ng tinapa! Sus! Nakakagulat naman tong si Quen. Andito na nga pala kami sa bahay nila. Walang tao, maids lang. Syempre sinundan ko lang si Quen. Pumunta kami sa isang room, kaming dalawa lang ang andun. Oh wait lang, kung ano man ung iniisip niyo mali kau. Andito kami kasi sa music room ni Quen. Infairness ang ganda.



"Dito na lang tayo mag-practice. Ano nga palang kakantahin natin?" Seryoso niyang tanong sakin. Ang init talaga ng ulo niya noh. Di marunong ngumiti. Parang lagi niyang pasan ang daigdig. Jusko. Nakakamatay yan.



"Sige dito na lang. Wait, mag-iisip muna ako." I said calmly and sweet with a huge smile pa. So nabalot nanaman ng katahimikan ang music room. Grabe sobrang tahimik. After 20 minutes of pag-iisip, magsasalita na sana ako nang si Quen.



"Zharm." Kalmadong tawag sa akin ni Enrique.  "Bakit?" Tanong ko sa kanya. OM! Feeling ko namumula na ko.



"Uhm. Pwede magtanong?" Nagtanong na nga siya e, itatanong pa niya kung pwedeng magtanong. "Oo naman. Ano yun?" Curious ako, ay hindi pala. Super curious ako.



"Hindi ba ako enough maging Prince Charming ng isang Prinsesa?" Huh? Prince Charming? Prinsesa? Yung totoo fairytale book ba tong kausap ko? "Huh? Perfect ka na nga e. Ano ka ba?" Totoo naman e. Sobra pa siya sa enough.



"E bakit di ako magustuhan ni Kath?" Yun yun e. Sabi na e. Wait lang ha, nagreact si Heart e. May pinapasabi. Ouch daw.  "Alam mo kasi may mga taong kahit gano ka pa kaperfect di ka magugustuhan kasi iba ang gusto nila kaya di ka napapansin. Parang ikaw." May pinanghuhugutan? Siguro nga.



Forever And A Day (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon