Shattered Memories - Chapter 25

8.8K 385 19
                                    

Chapter Twenty Five

Bitbit ni Robert ang mga paper bags ng kaniyang pinamili. Sisipul-sipol pa siya habang papasok ng bahay. Inilapag niya ang mga hawak sa sofa saka niya hinanap si Ishi. He found her in the kitchen. Agad niya itong hinalikan sa pisngi. Napansin niya ang bahagyang pagpitlag at ang pagkunot ng noo nito. Inisip na lang niya na baka nagulat lang ito kaya ganoon ang reaksyon ng asawa.

"I bought something," aniya habang iginigiya si Ishi tungo sa salas. Pinaupo niya ito saka niya iniabot ang mga paper bags.

Ishi was still frowning when she started opening the bags. Bumalatay ang pagtataka sa mga mata nito nang makita ang mga baby clothes sa loob. "Ano 'to?"

"Baby clothes para kay Damian."

Alam naman ni Ishi kung ano ang mga iyon. Hindi lang niya maintindihan kung bakit bigla na lang bumibili ng mga ganoong bagay ang kaniyang mister. She was confused on whether she should feel happy and grateful for his sweet gesture, or be disgusted by his theatrics. "I know, but why?"

It was Robert's turn to frown. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Imbis na sagutin iyon ay tanong din ang ibinalik ni Ishi. "Nasaan ang jacket mo?"

"Jacket?"

"Oo."

"Eh 'di nasa cabinet sa taas." Kinuha pa niya ang ibang paper bags. "Tingnan mo rin ang mga 'to. Baka mas magustuhan mo ang mga 'yan."

"Puwede ba Robert 'wag mo nga akong pinipilosopo!" Hindi na napigilan ni Ishi ang pagtataas ng tono. "Nasaan nga ang jacket mo?!"

His jaws dropped. He was confused. Hindi niya maintindihan ang itinatanong ni Ishi. "Ano bang jacket? Nasa taas nga! Ano naman ba kasi ang gusto mong gawin sa jacket ko? Ang suplada mo na naman ha."

"'Yung suot mo kanina?"

"Ano?"

Iritadong napapikit si Ishi. Unti-unti na siyang nanggigigil. "'Yung suot mo kanina. Robert, ayaw ko ng paulit-ulit."

"Wala naman akong suot na jacket kanina. 'Di ba tulog ka pa bago ako umalis? Nanaginip ka ba't iniisip mong nakajacket ako kaninang umalis ako? Saka aanhin ko naman ang jacket, hindi ko naman 'yun masusuot habang nagtatrabaho ako. Hindi rin naman panahon para magsuot ako ng jacket!"

Ishi bit her lower lip. Totoong tulog pa nga siya nang umalis ito. May sense naman ang mga sinasabi nito. Hindi niya nakita kung ano ang bihis nito bago ito pumunta sa trabaho. Dumaan si Aling Judy kaya saglit niya itong tinanong kung may suot nga bang jacket si Robert kanina. Umiling ito at nagpatuloy na sa pupuntahan nito. Napasinghal siya saka napaisip sa mga nangyayari. Hindi na niya napigilan kaya kinompronta niya na si Robert ng harapan.

"Tumawag sa akin 'yung kabit mo. Alam mo kung ano ang sabi niya? Balikan mo raw 'yung jacket mo sa bahay niya! And that b-tch thought that I was one of the maids! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon!"

"W-What?!"

Pinaghahampas ni Ishi ang dibdib nito. "Gago ka! Sabi mo ako lang!"

Hinuli ni Robert ang mga kamay nito. "Ikaw lang naman. Wala naman akong pinagpipilian!" Diretso ang tingin niya sa mga mata ni Ishi nang sabihin niya iyon. Doon lang niya napansin na bahagyang namumula ang gilid ng mga mata nito. He then realized that she shed a tear for him again, and it didn't feel good. "Hindi na ako nakikipagkita kay Ella. You know my schedule, babe. Alam mo kung may pasok ako sa trabaho at kung gaano katagal, alam mo rin kung kailan ako may bakanteng oras. Iginugugol ko naman ang lahat ng iyon sa 'yo hindi ba? Kaya paano ko pa maisisingit na makipagkita kay Ella? Don't listen to her. Ginugulo lang niya tayo. Ayaw kong isipin mo siya dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa'yo at sa magiging anak natin. Just don't f-cking listen to her."

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now