Previous Page of 3Next Page

Way Back Into Love (Ashrald Fan Fiction)

spinner.gif

Naloloka ako sa reactions nyo sa pagbubuntis ni Kim.. violent reaction lang ang peg haha

 

 

Way Back Into Love

 

 

Chapter 31: The Bride

 

 

“Ma, after po ba nitong recording may lakad pa tayo??”

 

 

“wala na naman anak..”

 

 

“pwede po ba kong umalis?? Ako lang mag isa?”

 

 

Sinagot ako ng ngiti ni Mommy.. “oo, mas makakabuti yan para sa inyo..”

 

 

“alam nyo po??”

 

 

“nagpaalam sya sakin kung pwede ka daw ba nyang makausap.. pumayag naman ako.. wala naman akong magagawa kasi alam kong gusto mo rin syang makausap.”

 

 

Nagtext kasi sakin si Gerald. Magkita daw kami. Hindi na ko nagdalawang isip pa at pumayag na ko. Sobrang miss ko na kaya sya..2 days ago nang makita ko sya, kasama pa nya si Kim. Balak ko na ngang tumakas kung di man ako payagan ni Mommy.. pero mabuti naman at pinag paalam nya na ko.

 

 

“hindi ko na naman po kailangan ng explanations nya e.. gusto ko lang talaga syang makasama”

 

 

“bahala ka.. kung anong makakagaan ng loob mo”

 

 

Makakagaan ng loob ko?? Sana pwedeng kami pa rin ni Gerald.. Kaya lang baka mag-demand ng kasal si Kim. Tsaka di ko rin alam kung kakayanin kong tanggapin yung baby, sabagay...walang kinalaman yung batang yun sa nangyayare ngayon. Ang tanong lang kung papayag si mommy at daddy na kami pa rin ni Ge. Parang hindi naman ata. Hay Sarah, ganyan ka na ba kadesperada?? Siguro ganito ko lang talaga kamahal si Ge.

 

 

Mabilis na natapos yung recording.. Excited ako e kaya madalian ‘to mga teh haha. Pagkatapos nun, nagpahatid na ko sa driver namin kung saan yung location na tinext sakin ni Gerald. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Bahala na nga.. kung ano na lang masabi ko, kung ano na lang yung totoong nararamdaman ko.

 

 

Nandito na ko. Dito sa isang soccer field kami magkikita ni Gerald.. talagang ni-rent pa ni Ge ang lugar na ito para makapag usap kami ng private.. Walang katao-tao.. kahit sa mga bleachers walang tao. Kaya lang ang dilim naman.. Ayun!! Sakto, sabay bukas ng spotlight.

 

 

“salamat sa pagpunta” narinig ko yung napakalambing nyang boses..

 

 

Gerald’s POV

 

 

Masaya akong makita sya dito, parang batang manghang mangha sa laki ng paligid. Kahit nakatalikod sya sakin, alam kong ang reaksyon nya sa mga nakikita nya.

 

 

“salamat sa pagpunta”

 

 

Humarap sya sakin na parang sabik na sabik makita ako. Bigla nya na lang akong niyakap ng mahigpit. Yung yakap nya na namiss ko sa lahat. Umiiyak sya, nararamdaman ko..

 

 

“wag ka ng umiyak.. nandito na ko. Magkasama na ulit tayo..”

 

 

“Ok lang sakin kahit may baby ka na.. Handa akong tanggapin yun, basta ako ang mahal mo..basta tayo pa rin. Pero kung kailangan nyong magpakasal ni Kim kahit masakit tatanggapin ko pa rin. Isa lang naman ang gustong marinig ng puso ko e.. na mahal mo ko, na ako lang ang mahal mo” sabi nya habang nakayakap pa rin sakin. Nagulat ako sa mga sinabi nya. Ganun nya ko kamahal? Na handa nya kong tanggapin kahit may anak na ko? Gusto kong matuwa sa mga sinabe nya.. Pero syempe, wala na naman akong balak na magka anak pa sa iba.

 

 

“mahal na mahal kita.. ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay” unti unti akong bumitiw sa pagkakayakap nya at hinalikan sya sa labi. Nang magbitiw kami, hinayaan kong magkalapit ang mukha namin at magkalapat ang aming mga noo. “punta ka sa kasal ko ha”

 

 

Lalo lang syang umiyak. Yung mga mata nya sobrang lungkot, kitang kita na nasasaktan sya.. “kailangan ko pa ba talagang pumunta dun??”

 

 

“paano ako ikakasal kung hindi pupunta ang bride ko?” nakakatuwang makitang mula sa pagkakaiyak nya ay bigla syang ngumiti at kumislap ang mga mata nya.

 

 

“ibig mong sabihin??” hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya.

 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

sarah geronimoas sarah geronimo
gerald andersonas gerald anderson

Recommended

Moments. [Harry Styles Fanfic]Taming the Emperor's Heart [Kuroko no Basket Fanfiction]Ano Kamo? Paki-ulet? (ft. Ranz Kyle Ongsee) ON-HOLD -.-Nagmamahal Lang Ako! (Ongoing)