Chapter 5.2.2

774K 9.2K 455
                                    

#JorTyLevelUp

#JortyHanToTheHighestLevelNaIto

Note:  sa mga mejo slow (mejo lang hehe) ang JorTyHan na palagi kong sinasabi eh 'mag-artehan' o 'magkirihan' na tayo.  Yun. Hahaha so, wag nyo na ako y pm para dun LOL  XD

Love you!

Ate Dean

********

CHAPTER 5.2.2

JORDAN's POV (Continuation)

Nilagpasan namin si Tyrone na wala pa ring imik at ni hindi man lang ako nilingon.

"Are you okay, Jorge?" Si Terrence na mataman pa akong tinitigan sa mukha. "Fuck! May bukol ka, o!"

"Damn, that surely hurts." Si Vaughn na nakita ko pang napangiwi.

"Ouch..." Si Dalton ay napangiwi rin habang nakatitig sa sinasabi nilang bukol ko.

"I'll just take her to the clinic," sabi pa ni Chance. Ramdam ko pa rin ang kamay niya sa baywang ko.

"H-hindi na, Chance. Okay lang ako. Yelohan ko lang 'to." Iwas ko pa sabay hiwalay sa kanyang hawak sa aking baywang.

Dali-dali akong pumunta sa locker room pero ramdam ko ring may nakasunod sa akin. Hindi ko lang alam kung sino.

Nang makapasok na ako nang tuluyan sa locker room ay naupo na lang muna ako at hinipo ang bukol sa aking noo. Agad na nagtangis ang bagang ko. Ang laki nga pala ng bukol ko! Demonyong babae 'yon! May araw din siya sa akin!

"Lagyan natin ng ice 'yan." Napaigtad ako sa gulat nang biglang pumasok doon si Chance na may dala ngang ice.

"N-naku! ako na... Kaya ko naman."

"Let me." Hinawi lang niya ang aking kamay at idinampi-dampi sa noo ko 'yung ice na ibinalot niya sa panyo. "Lalayo ka na lang sa mga barkadang iyon ni Tarah. Possesive kasi 'yun kay Tyrone."

"Bakit? Sila ba?" lakas loob ko pang tanong. Kahit pa kasi nakita ko siyang nakipaghalikan d'un ay hindi pa rin sapat na kumpirmasyon iyon kung talaga bang may relasyon sila. Nakita ko na ring ginawa niya 'yun sa bar sa hindi nga niya nakikilalang babae.

"I don't think so." Bahagya pa siyang umiling. "Nilalaro lang naman ni Ty 'yun. Wala namang sineryosong babae 'yun."

"Ahh..." Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niyang 'yun. Pero at the same time, malungkot ako na hindi man lang niya ako nilapitan para kumustahin. Buti pa 'tong si Chance.

"Wala na bang ibang masakit sa'yo?" alala pang tanong niya.

"W-wala na..." Bahagya akong umiling at hinayaan na lang siya sa kanyang ginagawa.

"I think you should change first. Basa ka, e. Ipagpaalam kita sa Boss mo so, you can rest."

"Okay na. Ako na lang ang gagawa n'un." Kinuha ko na sa kanya ang yelo at pasimple ko muna siyang itinaboy. "Magbibihis lang ako. Thanks nga pala kanina." Tipid akong ngumiti at tumango naman siya sa akin.

"Stay out of trouble, Jorge. I'll wait for you outside. Ihahatid na kita."

"No, Chance! Hindi na kailangan!" mabilis ko rin namang tanggi.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon