Chapter 17

24K 557 68
                                    

A/N: Eto na po yung utang ko kahapon :) Pasensya na po kung hindi ako nakapag-udpate kahapon, ang kulit-kulit kasi ni parrot :D

BTW, super excited na ko dahil POVs na ni Justine yung susunod.

Enjoy guys! Iloveyouall! CIAO!

=============================================================================

KLARISSE'S POV:

"Hoy! Baka naman bigla na lang bumuglata si JT sa sama ng tingin mo sa kanya" bulong sakin ni Maybelle.

Papano ba naman? Parang wala lang sa kanya yung nangyari kanina sa sasakyan. Bigla na naman akong dinedma. Nakakainis lang ha, para sa isang tao na nakainom ng gayuma, etong si Justine yata yung hindi nahumaling sakin. Ang kwento kasi ni Maybelle noon, sobrang nahumaling daw si Bernard kay Monique, eh bakit etong babaeng to, ni ayaw ata akong tingnan. Ugh! Eh bakit ko nga ba iisipin yon? Eh ipapainom ko na naman sa kanya yung antidote mamaya.

"Nakakainis kase, akala mo kung sinong paimportante, hindi ba naman ako pinapansin kanina pa!"

"Narinig ko kayo kanina nung nandun tayo sa bahay nyo, diba ikaw yung nagsabi na ayaw mo syang makasama? Anong inaarte-arte mo dyan?"

"Wala, nagtataka lang ako kase parang hindi naman sya naguyuma sa inaasta nya ngayon"

"Sus! Kahit naman siguro ako, kahit gustung-gusto ko yung tao, tapos sinabihan akong ayaw nya kong makasama, masasaktan ako. At dahil gusto ko nga sya, susundin ko yung gusto nyang mangyari kahit masakit sakin" seryosong sabi nito.

Napatingin naman ako sa kanya. In fairness, pag nagseseryoso talaga si parrot, maganda yung mga lumalabas sa bibig nya.

Ngumiti naman sya sakin.

"Isn't it amazing, Isn't it surprising?!" natatawang sabi nya sakin.

"Yeah, nakakagulat na sayo nanggaling yung mga salitang yon"

Bigla naman nya kong hinampas sa braso.

"Ang bad mo! Lagi ka na lang ganyan sakin." nakangusong sabi nito.

"Hoy wag kang umarte dyan! At wag kang magpout dyan, nakakainis yung itsura mo!"

"Tse! Dyan ka na nga, hahanapin ko muna si Daniel Padilla at si Coco Martin, balika ko invited sila dito sa party ni Carlo eh."

Yun lang at iniwan na nya kong mag-isa. Great!

Nasan na ba kasi yung si Jordan? Wala man lang akong klala dito. Tapos etong si Maybelle imbes na samahan ako, ayun nanghaharot na naman, si Justine naman, masyadong busy sa fiancé nya. Ugh! Umuwi na lang kaya ako?

Patayo na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Where do you think you're going?" tanong nya sakin.

"Uuwi na."

"And why is that?"

"Hoy Justine! Wag mo nga kong ineenglish dyan! Nasa Pilipinas ka, magtagalog ka!" inis na sabi ko dito. Jusko, anong gusto nya makipag-away ako sa kanya habang naguumenglish? Ay wit! Di ko bet magnosebleed no! At isa pa, mas masarap mang-away ng tagalog yung gamit! Mas tagos sa puso!

"Oh eh bakit ka nga uuwi na?" tanong nya sakin. Ayun, marunong naman pala syang magtagalog eh.

"Eh ano pa bang gagawin ko dito? Si Jordan, hindi pa dumadating, si Maybelle, iniwan ako, at ikaw, ni hindi mo ko kinakausap o tinitingnan man lang" mahinang sabi ko sa kanya.

"Oh diba ikaw may gusto non? Sabi mo ayaw mo kong makasama?"

"Pero sabi mo habang wala si Jordan sasamahan mo ko?"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon