Chapter 4

275K 4.1K 461
                                    

Chapter 4:

Ang buong pag aakala ko talaga, tatantanan na niya ako pagkatapos niyang magwalk out sa akin pero nagkakamali ako dahil the next day lalo siyang lumapit sa akin. May instant  kasabay na tuloy ako sa lunch pati meryenda. Mabuti sana kung nililibre niya ako pero hindi! KKB! Nakakainis lang talaga.

“Bakit ka ba dikit ng dikit sa akin Lucas?” Isang araw nung bigla na naman siyang umupo sa table ko during lunch time.

“Oi may endearment ka na sa akin. Improving Rayne.” Endearment? Lucas? Endearment? Kapal ng mukha!

Tiningnan ko siya ng masama kaya tumawa siya ng malakas. Abnormal talaga siya. Kakaiba kasi ang reaction niya.

“Alam mo ba kung bakit ako dikit ng dikit sayo? Kasi masarap akong kasama. At nakakaawa ka naman kasi nag iisa ka  lang palagi. At isang napakalaking karangalan na makasama ng isang nerd na tulad mo ang isang campus figure na katulad ko. At isa pa, charitable akong tao” Ang laki ng ngisi ng walang hiya.  Ang sarap tusukin ng tinidor ang mata niya.

“Hindi ko kailangan ang charity mo! Pwedeng pwede kong bilhin ang kaluluwa mo!” Huhuhuhu! Bakit parang matutuyuan ako ng dugo sa kanya? Lord, bakit niyo naman po ako pinarusahan? Kasalanan na ba ngayon ang maging mayaman?

“Whoa!!! So, lumabas din ang katotohanan na may pagnanasa ka sa akin? Gusto mo nang bilhin ang kaluluwa ko oh! Wag kang mag alala, pag binili mo ang kaluluwa ko, libre pati ang puso ko.” Tapos kumindat pa siya sabay kuha ng tinidor ko at tinusok ang isang karne sa pinggan ko at isinubo. Ewwwwww! Ginamit niya ang tinidor ko! Kailangan nang I disinfect yun.

Tapos tumusok ulit siya ng isang karne at sa gulat ko inilapit niya sa akin ang tinidor. Parang susubuan pa ata niya ako. Ewwwww ha!

“Say ahhhh!” Nanlaki ang mga mata ko. I closed my mouth. There’s no way that I would be sharing a fork with him.

“Rayne, open your mouth.” Utos pa niya. Umiling ako habang nakaclosed ang mouth ko. No way! No waaayyyyy! NO waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyy! It’s indirect kissing.

“You have two choices. You eat this and share my saliva indirectly or I will have to kiss you here, para direct na.” Sabi niya sa mahinang boses. Nakikita ko na naman ang threat sa mga mata niya. Shiiit! Shiiit!! Bakit palaging ganito? Friend ko naman siya di ba? Ehhh ang plastic ko! Hidni ko naman talaga siya friend eh.

“Now sweetheart, open your mouth.” He said sternly. Bullying ba ang tawag dito? Can I accused him?

Wala na akong nagawa. I slowly opened my mouth. Nakita ko siyang ngumiti at isinubo sa akin ang fork na may pork. 

“Awwwww! Ang sweet talaga ni Luke.” Narinig kong tili ng mga nakakita.

“Sana ako na lang ang sinubuan niya.” Another comment.

“Hindi sila bagay nung nerd.” And another. Feeling ko pulang pula na ang pagmumukha ko. Ba’t ang hilig niyang ipahiya ako?

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon