CHAPTER 1

8.8K 118 6
                                    

"Hey saan ka pupunta?" Sabi ko sa kanya habang nakaupo ako sa sofa at kumakain ako ng piatos habang nanonood sa T.V..

"Wala ka na dun!" Sabi niya sa akin.. Napansin ko naman na suot niya ang kanyang jacket na itim na may tatak sa likod na star na may dugong design.. Tapos may nakasulat na 'Death Star'.. Yun yung gangster name niya.. Tsk! Ang panget! XD

"Makikipag-sapakan na naman kayo noh?" Ipinatong ko yung baba ko sa sofa at tinignan ko siya habang nagsusuot siya ng sapatos..

"So?!" Grabe! Sungit niya talaga! =__=

"SUNGIT!!!!" Tumalikod na ako sa kanya..

"I know!! Tsk!" Binuksan na niya yung pinto.. Tumingin ako sa kanya tapos nakatalikod na siya sa akin.. Palabas na sana siya ng bigla ulit siyang nagsalita..

"I-lock mo yung buong bahay! Wag kang magpapapasok ng kung sino-sino!!" *BLAG* Sabay sara niya ng pinto..

"Hmp!! Mukha mo!!! SUNGIT!!!" Sigaw ko.. Narinig kong tumunog yung engine ng motor niya..

Nakatira kami sa iisang bahay.. Kaming dalawa lang.. Grabe, anim na taon na kaming kasal.. Palagi na lang siyang masungit sa akin!! >___< KAASAR!! Walang improvement! Buti nga nakakatagal pa ako sa kanya ehh!

Ilang oras ang nakalipas... Nag-aalala na ako sa SUNGIT na yun!!! Baka napatay na siya ng mga kalaban nila.. Naku LORD!! Sana naman hindi!! >____< Ligtas naman siya diba? Diba diba? Madaling araw na po oh!!! Naiiyak na ako!!! Kahit sinusungitan niya ako, nag-aalala pa din ako sa kanya!!

*crreaaakkk*

Napatayo ako sa sofa.. Narinig ko kasing bumukas yung pinto...

"SUNGIT!!!!!" Napatalon na ako sa sofa at dali-daling tumakbo papunta sa kanya.. Tapos inalalayan ko siya..

"Bakit gising ka pa?!!! May pasok pa tayo bukas!!!! =____=++" Sabi niya sa akin..

"Susme!!! Sino na naman bang kinalaban niyo at ang dami mong sugat!!! Ano ba yan!! Pinapatay mo ako sa pag-aalala sayo!!!" Umupo kami sa sofa.. Naka-ready na yung first aid kit sa may table namin sa salas..

"Tsk! Sinabi ko bang mag-alala ka!! Ang t@nga mo talaga!!" Kainis siya ahh!! Kinuha ko yung bulak.. Tapos pinahid ko sa pumutok niyang labi..

"Edi ako na t@nga!!!" Ang sakit niya talagang magsalita.. Naiiyak tuloy ako!! T___T Ang dami niya kasing sugat..

"Aray!!! Ano ba!! Dahan-dahan nga lang!!!!!" Sinigawan niya ako..

"S-sorry! *sob* D-di ko sinasadya... *sob*" Napaiyak na ako.. Madali kasi akong paiyakin ehh! Katulad sa ganitong sitwasyon, imbes na si Sungit ang nasasaktan ako ang nakakaramdam ng sakit... Kawawa kasi siya ehh! Ang daming sugat!! TT___TT

"H-hoy!!! Bakit ka umiiyak!!!!"

"Kawawa ka kasi ehh! *sob* Tapos akala ko napatay ka na nung Gang na kinalaban niyo! *sob* Tapos sinabihan mo pa ako ng t@nga! *sob* Alalang-alala ako sayo tapos susungitan mo lang pala ako! *sob* 

Tapos--" Di ko na naituloy yung sinasabi ko kasi bigla niyang pinunasan yung mga luha na pumapatak sa mata ko gamit ang thumb niya..

"Tsk! Sorry... Wag ka ng umiyak.." Di siya nakatingin sa akin.. Sa may gilid siya nakatingin tapos namumula siya..

"Ok.. *sniff*" Tumahimik kaming dalawa.. Patuloy ko siyang ginagamot..

Ilang minuto lang, natapos ko na siyang ginamot tapos sabay kaming umakyat sa sarili naming kwarto.. Magkahiwalay kami ng kwarto.. Magkatabi lang ang kwarto namin.. Bago siya pumasok sa kwarto niya bigla siyang nagsalita..

"Hoy!! Salamat at sorry!!" *BLAG* Sabay sara niya ng pinto..

Ako naman, naka NGA-NGA! Nagulat kasi ako kasi nag-thank you siya sa akin at nag-sorry na din! Once in a blue moon lang yan nagpapasalamat at nagsosorry! 

*dugdug*

Humawak ako sa chest ko kung saan naka-locate ang puso ko.. Napangiti din ako.. Ay! Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na...

Mahal ko ang GANGSTER kong asawa!>:D

[A/N: Pic po ni Maria Roebee Ann yung nasa gilid po>:D]

MY HUSBAND IS A GANGSTER [Short Story] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon