CHAPTER TWELVE: i love you...sabay TAKBO

127 6 5
                                    

Thanks you thank you pos a lahat ng nagbabasa at nagaabang ng story ko. sa lahat po ng nagrerequest ng update ko. maraming maraming salamat po sa inyo. ^_^ dahil dyan, mas pagbubutihin ko pa ang pagsusulat.. :-* wahhh.. kinikilig ako sa inyo. Sa ngayon po, dededicate kop o muna ito sa aking mga readers na nagbigay ng time para magcomment.. hihi.. dahil sa kanila, nainspired talaga ako ng bongga kahit na simula na bukas ng prelim exam ko. ^_^

ILoveMyRawr

alvirachuchu

WooUforever

itsmeDanatria

babybhevzko19

SALAMAT SA COMMENTS NYO!!!

MUAH :-*

HUGS!!!

CHAPTER TWELVE: i love you..sabay TAKBO!!!!

Paano ba ko magrereact sa sinabi sakin ni mommy? Alam mo yun? tatay ko nanaman ang involve dito. Hindi pa ba sapat sa kanya na iwan nya kami at masanay akong wala sya sa tabi ko. na mamulat ako sa isang pamilya na hindi buo. Na tipong dalawa lang kami ng mommy ko ang magkasama sa buhay. Matagal na panahon nya kaming iniwan. Hindi manlang sya nagparamdam sa amin. Ni anino nya hindi nya ipinakita mula noong araw na umalis sya at nagpasyang sumama sa ibang babae. Tapos ngayon, babalik sya, para gawing miserable ang buhay ko? hindi ba sya nahihiya sa mga pinaggagagawa nya? nakakainis na sya..

“ mommy.. paano mo nalaman na gusto nya ko ipakasal sa iba?” tanong ko kay mommy.

“ simple lang. Pinuntahan nya ko sa opisina noon. Sinabi nyang may karapatan parin sya sayo at sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko daw pumayag na ikasal ka sa anak ng pinagkakautangan nya. dahil daw nalulugi na ang negosyo nila ng asawa nya. ang kapal pa nga ng mukha. Kung ayaw ko daw na ipakasal ka, ako nalang daw ang magbayad. Ano sya sinusuwerte? Kaya anak, sa tingin ko, kailangan nyo munang magpakasal ni troy. Total naman pala eh nililigawan ka na nya at alam naman namin na gusto nyo na ang isat isa, madali nalang yun para sa inyo. Mas gugustuhin mo naman atang ikasal kay troy kesa sa gusto ng ama mo diba?” sabagay. May point si mommy. At noon palang naman, alam kong ikakasal kami ni troy. Dahil nga doon sa deal namin noon. Kaya, ayos narin. Hindi ko nga lang inaasahan na magiging ganito ang dahilan. Hindi ko alam na magpapakasal ako kay troy ng dahil sa gusto ako ipakasal ng tatay ko sa ibang tao. Ibang taong hindi ko kilala. at hindi dahil sa, DEAL namin ni troy.

“ ok mom. Payag na po ako. Pero mommy, bakit hindi nyo nalang ako inilayo? Bakit iniwan nyo ko? hindi mo ba inisip na baka, kuhanin nalang ako basta ni daddy???” totoo naman diba? Baka mamaya, kuhanin nya nalang ako basta.

“ hindi anak. Hindi ka nya kukunin. Hindi nya magagawa kasi nandyan si troy.  At isa pa, mahigpit ang security sa bahay nyo. Hihi. Maraming camera ang nakalagay doon na hindi niyo nakikita.. kaya nga, para kaming nanonood ng pbb teens dito sa bahay. Tuwing makikita ka naming kinikilig sa likod ng pintuan ng kwarto mo ehh..” nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. tawa ng tawa sila mommy at tito alex. Napatingin naman ako kay troy. Anlapad ng ngiiti nya sakin at yung ngiting yun, para bang nangaasar.. psh... andaldal ba naman kasi ng mommy ko.

“ well, anak.. sa tingin ko,kailangan nyo na umuwi. Saka, anak.. dito muna ako hanggang hindi pa kayo ikinakasal ni troy. Anak.. gagawin ko to para protektaha ka.  Ok? at isa pa, magiingat kayo. Minsan tanga yung mga body guards nyo. Hehe. Sorry anak, pero, sa bawat galaw nyo, bawat alis nyo, merong mga bodyguards ang nakasubaybay sa inyo. Alam nyo na. para safe. Pero syempre.. ingat parin!!!” naguguluhan na k okay mommy. Pero, Masaya ako talaga na nakita ko na ulit sya. at nalaman kong safe sya. ^_^ kahit na medyo inis ako sa ginawa nyang trip... hmmm.. di naman pala trip yun. atleast tama naman ako sa naisip ko nun na hindi naman ako basta basta iiwan ni mommy ng walang dahilan.

Only HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon