Caput 4

136 11 70
                                    

*The Origin of the Queens: Agent Plum, Agent Blue*

-----

"Wait ladies!"

Natigilan ang pitong agents na papalabas na ng opisina ni KEN, nang tawagin sila ni Aldred. Nagtataka silang napalingon rito.

"Ah Agent Plum, nasaan pala gitara mo? Hihiramin ko sana." tanong ni Aldred.

Bigla namang tumawa si Agent Blue, "Haha! Na-OLX.com na!"

"Shut the hell up, Asul!" naiinis na saway ni Agent Plum kay Agent Blue sabay simangot. Hanggang ngayon di pa rin sya makaget-over sa nangyari. Lesheng PS! Di man lang nagpaabiso na darating sila! Na-OLX.COM tuloy ang baby ko! Kay Taylor Swift pa naman yun!, daing nya sa kanyang isipan.

"OLX.com?" pakikiusyoso na rin ni KEN.

"Ganito kasi yun my king—este boss Ken . . . " boluntaryong pagpapaliwanag ni Agent Violet sa kanilang leader, "Nakipagpustahan kasi itong si Agent Plum kina Agent Black at Agent White, at ang ipinusta ay ang kanyang gitara."

"Lakas kasi ng loob nitong si Pluma! Feeling manghuhula!" pang-aasar pa ni Agent Blue sabay akbay kay Agent Plum.

Sinamaan ng tingin ni Plum si Blue sabay alis ng braso nito na nakaakbay. "Tigilan mo ako ASUL!"

"It's B-L-U-E! PLUMA!"

"Whatever ASUL!"

Naiiling na pinapanood ni KEN ang dalawang nagbabangayan. Saka nag-flashback sa kanya ang interview ng dalawa.

~~~

Nakapikit na nakasandal si KEN sa swivel chair habang hinihilot ang kanyang sentido. Pakiramdam niya naubos lahat ng energy ng braincells niya sa limang interview na napanood niya.

"Boss next footage na ba tayo?" tanong ni Aldred.

Tumango lamang si Ken bilang tugon.

"You are . . . Lydia Allyssa Bonita?"tanong ng interviewer.

"Ay hindi." pabulong na sagot ni Allyssa sa interviewer.

Vindicte GratiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon