lumalabnaw
na ang gabi:
nalalasing
nagwawating-wating
naduduling
na parang
paghigop
sa mainit na sopas
ng tag-ulan
ng bawat imahen
ng kung anong pormal
at normal
hawakan ang sarili
kumapit
bumuwelo––
bakâ
sa sandaling lumagpak
na
ay
tuluyang madurog
at hindi na
makadiskarte
ng
isang
oportunistang
pagbangon. ang
namemeligrong
panginoon
6 Oktubre 2013 | 8:20 nu
BINABASA MO ANG
sintones (isang antolohiya)
PoetrySinasabing sinasalamin ng isang akda ang karampot na katotohanan ng búhay; at sa ganang ito, ng mga akdang naririto, ang búhay at katotohanan ay ipaparis sa isang berdeng sintones. Maasim, bubot, magaspang. At ang kasariwaan, marahil, ay ibibigay na...