kulayan

927 27 1
                                    

bughaw na langit
sa pisngi ng karagatan,
sinasagwan ka't sinasalok
ng hanging walang-kulay at maalinsangan;
mga gintong silahis ng araw,
sumisibat sa luntiang kagubatan,
kanlungan ng mapuláng kalayaan
sa gabíng maitim,
maitim na wari'y barakong kape,
bakit ang timpla mo'y di na sindilim
ng aming nakaraan

22 abril 2014 | 11:13 nu

sintones (isang antolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon