The Bestest Guy I Ever Had (One Shot)

469 42 40
                                    

Lahat tayo ay may kanya- kanyang napakahalagang pangyayari sa buhay. Meron tayong mga karanasan na hinding hindi natin makalimutan. We tend to consider it as a treasure na walang sinuman ang pwedeng makapagnakaw nito palayo sa atin.

Sa buhay natin, may mga taong dumadating at umaalis. Bigla- bigla na lang silang darating ng hindi namamalayan at bigla- biglang umaalis just like the way na pumasok sila sa buhay natin.

Katulad na lang nung nakilala ko. Grade 2 ako noon pero he unexpectedly entered my peaceful mind…

“Hello!” sabi ng batang lalaki sakin.

“H-- hi.” Sagot ko sakanya ng pautal pa.

“Ako nga pala si Dave. Ikaw sino ka? Tsaka bakit ka umiiyak?”

“F-- frances ang pangalan ko. Wala kasing gusto makipaglaro sa’kin e” :’(

“Bakit naman. E ambait bait mo kaya?”

“E kasi wala akong Barbie doll, wala akong pambili nun. Kaya ayaw daw nila makipaglaro sa’kin.” Sabi ko ng umiiyak pa.

“Wag ka na umiyak. Bad sila! Ako na lang makikipaglaro sa’yo. ^_^

“Talaga? E mukhang mayaman ka e, baka iwanan mo din ako mamaya kasi wala akong pambili ng laruan.”

“Hindi mangyayari yun. From now on I’m gonna be your playmate and your bestfriend.”

Since that day naging magkaibigan kami..at first akala ko imposibleng magkasundo kami dahil magkaibang magkaiba kami! Habang tumatagal ang pagkakaibigan namin, the more I realized that I'm blessed to have a friend like him. Lagi kaming magkalaro at magkasama. Lalo na sa oras na malungkot ako.  He made me realize na lahat ng pangyayari sa buhay has to be treasured, and he told me to live life to the fullest. At sa paglipas ng taon at panahon, habang lumalaki ako, unti unti na syang lumalayo sa’kin..

“O. Saan ka pupunta?” tanong ko sakanya ng may pagtataka.

“Ah. Lumalaki ka na kasi. 2years na lang magti- thirteen ka na. Time will come na dapat makalimutan mo ako at tuluyang mawala sa isip mo. Yung araw na hindi mo na ako kailangan kasi mas marami ka na makikilalang bagong kaibigan, yung totoong kaibigan na iintindi at mag-aalaga sa’yo. Kaya ngayon pa lang unti unti na akong lumalayo para masanay tayong dalawa. Lalo ka na.”

Sa sinabi nyang yun, naguluhan ako.

Ano daw?  Dapat ko syang kalimutan at burahin sa isip ko?

Bakit naman? Best friend ko sya e, bakit ko gagawin yun?

“Bakit ko gagawin yun? Bestfriends tayo diba?” sabi ko na halos mangiyak ngiyak na.

“Di mo pa rin ba ma’gets? Magkaiba tayo. Hindi pwedeng kapag dalaga ka na ay magkaibigan pa rin tayo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sayo? Ngayon pa nga lang kung ano- anon a sinasabi nila sa’yo e at pinagsisisisihan ko kung bakit pumasok pa ko sa buhay mo. Nagulo ko pa tuloy ang nananahimik mong utak.”

“Pero thankful ako dahil ikaw lang ang tumanggap na makipaglaro sa’kin ng mga panahong ayaw nila sa’kin. Kaya pano mo nasabing ginulo mo ang buhay ko?”

“Basta.. balang araw maiintindihan mo rin lahat lahat.”

At tumalikod na sya sa’kin at unti unting naglakad papalayo. Bigla ulit syang nagsalita..

“Bukas magkita tayo sa park kung saan una kitang nakitang umiiyak. Bye”

at tuluyan na syang naglakad papalayo.

Bakit ba kailangan pang gawin yun?

Pupunta ba ako bukas?

Mukhang iba ang kutob ko. Kinakabahan ako.

Pero pupunta ako para malaman kung ano ang nangyayari...

*KINABUKASAN*

“Buti dumating ka” Sabi nya ng nakangiti pero halatang may halong lungkot ang boses nya.

“oo. Sabi mo e, di ko naman pwedeng tanggihan ang bestfriend ko”

at sa sinabi kong yun tuluyan na syang nalungkot.

Sa isip isip ko, ano bang problema ng lalaking to?

“Gusto ko lang magpaalam ng maayos sa’yo”

“A-- aalis ka? Sa—saan ka pupunta?” sabi ko na nga ba dapat di na lang ako nagpunta e.

“Oo. Kailangan na kitang layuan para hindi magkaproblema pagdating ng teenage life mo Frances”

“Ano? Naguguluhan talaga ako. Saan ka ba pupunta? Wag mo akong iwan Dave!”

“Ayoko man pero yun ang nararapat”

“E saan ka nga pupunta?Di ka na ba mapipigilan?”

“Kung saan ako nararapat. Sa imaginary place.”

“Hahaha. Wag mo nga akong niloloko. There’s no such thing as ima-- ”

“There is. And I’m just your Imaginary friend.”

“O_O”

“Now you know that’s why I’m living you now. Don’t worry I’ll watch you from there. And I gonna make sure na walang masamang mangyayari sayo. Bye bestfriend.”

At tuluyan na syang naglakad papalayo at nawala sa paningin ko.

Speechless pa rin ako.

Nakakabaliw. Imaginary friend?

Bakit nakakausap ko sya? Bakit nakakalaro ko sya? Bakit nahahawakan ko sya?

Waaaaaaaah!

Kaya pala kapag sobrang saya ko iba ang tingin sa’kin ng mga magulang ko. Lalo na ng ibang tao. Kasi ako lang nakakakita sa’kanya.

OMG!

Pero Thankful ako sa kanya kasi napasaya nya ako. At dinamayan ako sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan.

............................

Ilang taon na rin ang nakakalipas.

Now I’m eighteen. Hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Naisip ko, lumaki at tumanda rin kaya sya? Simula  nung araw na umalis sya, madaming nagbago sa buhay ko. Nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan, yung tulad ng sabi nya hinding  hindi ako iiwan. Alam nila ang tungkol kay Dave. Tinatawanan nila ako pero natouch sila sa kwento ko. Hindi daw nila ako masisisi kasi kung sila man daw ang nasa sitwasyon ko ganun din ang mangyayari sa kanila. Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang pumalit kay Dave. Though hindi tulad ng ginawa nya sa’kin nung nandidito pa sya pero atleast I know that they’re TRUE and not an IMAGINATION.

*THE END*

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author’s Note:

Super ikli nya at alam ko pong hindi maganda yung pagkakakwento pero sana nagustuhan nyo. Don’t forget to VOTE/ COMMENT. Thanks! ^_^ Godbless! 

->juicypRUTHie <-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bestest Guy I Ever Had (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon