Chapter 35: Distracted.

2.5K 36 13
                                    

Chapter 35

“Dana, naririnig mo ba ang sinasabi mo? That isn’t measure one’s friendship. Susubukan ko naman eh. Lalayo ako dahil ayokong masaktan ka, pero hindi ko kelangan gumamit ng iba…”

“Sa tingin mo ba lalayuan ka ni Royce kung alam niyang mahal mo siya? Hindi, Hailey! Lalo lang siyang lalapit sa’yo. Mag-isip ka nga, Hailey! Hindi ka lalayuan ni Royce!”

“Hindi mo ba inaalala si Kuya Dino? Pa’no kapag nalaman niyang pinakiusap mo lang sa’kin para pumayag akong magpaligaw sa kanya, kung totoo man ang sinasabi mong may gusto nga siya sa’kin. Mas lalo siyang masasaktan, Dana. Kapatid mo siya, alam kong mahal mo siya kaya hindi mo gugustuhin na masaktan siya.”

“Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Enough with this, Hailey.” Inayos niya ang sarili niya habang nakatitig sa salamin sa harap namin. “We need to go. Baka hinahanap na nila tayo.”

“M-mauna ka na, Dana…”

“Fine.”

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Dire-diretso siyang lumabas ng cr. Napasandal ako sa wall. Ngayon lang ako nakaramdaman ng pagod. Pagod dahil sa kulang ako sa tulog at pagod mula sa sagutan namin ni Dana. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Nang dahil lang sa lalaki, mag-aaway kami. Willing akong piliin siya over Royce. Siya ang mas nauna kong nakilala kesa kay Royce. Ilang taon na kaming magkaibigan.

Pinipili ko siya kahit mahal ko si Royce. Kapag nilayuan ko siya, matatapos na lahat.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng cr. Naglalakad ako papunta sa oval nang may biglang tumabi sa’kin. Nagulat ako nang makitang si Harley yon.

“Kaibigan mo siya pero mas pinipili niya ang sarili niyang kasiyahan kesa sa’yo. Tss. What the?”

“Nakikinig ka sa usapan namin, Harley?”

“Pasalamat ka dahil ako lang ang nakarinig. Usap ba ang ginagawa niyo? Akala ko kasi sigawan. Kung kausapin ka kasi ng kaibigan mo parang alipin ka niya. At ikaw si tanga, nagpapaalipin naman. Imagine, nasa labas ako ng comfort room.”

“Igalang mo ko, Harley. Ate mo pa rin ako!”

“Wag mo kong sigawan, malapit lang ako sa’yo.”

Naglakad siya ng mabilis paalis. Napaupo nalang ako sa sobrang frustrate. Kahit kapatid ko hindi ko na alam kung anong nangyayari. Nilagay ko ang kamay ko sa mukha ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao sa paligid. Pagod na ko. Pagod na pagod.

“Skyla Hailey…”

Nanatili lang akong nakaupo. Lintek na luha, hindi maubos-ubos!

“What?! Sisigawan mo rin ako?!”

“Shhh…”

Hinigit niya ko pero hindi ako nagpatinag. Nang magsawa siya ay tumigil rin siya kahihigit. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa’kin.

“Sabi ni Mommy, kapag nalulungkot daw ang kaibigan mo, yakapin mo lang siya. Hindi ko alam kung pa’no ka pasasayahin. Kapag nalaman ‘to ni Royce, mapapatay ako non. Quiet lang ah?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon