Kaibigan at Kamatayan By: Sunpriestess

Magsimula sa umpisa
                                    

                Tumunog ang phone ni Nina katabi ng kanyang inuupuang sofa. “Hello?” sagot ng dalaga sa telepono.

                “Hello Nina! Pwede ka ba?” sabi ng boses lalake sa kabilang linya.

                “Sino ito?” Naiinis na tanong ni Nina sa linya.

                “Isang humahanga at nagpapantasya sa iyo” saad ng nasa kabilang linya.

                “Who the hell are you!” sigaw ni Nina sa telepono.

                “Ows! Playing virgin! C’mon don’t play around. Alam kong ilang lalake na rin ang nakatikim sa iyo. Alam mo bang gustong-gusto ko na ring matikman ang iyong nakakapaglaway na katawan?” sabi ng nasa kabilang linya na sinundan ng tunog na animo hinigop ang dila at saka tumawa ng malakas.

                “Go to hell!” sigaw ni Nina saka naibato ang telepono. Nagwala siya sa inis. Pinagtatadyakan niya ang sofa at pinagtatapon lahat ng nadadampot niya sa pader at saka sumisigaw ng malakas. She hate her life! She hate herself! And she hate the one that making her feel miserable and unwanted! Nathalie!

                Isang gabi, sinusundan ni Nina si Nathalie. Alam niya kasing gagabihin ito sa pag-uwi. Doon niya isasakatuparan ang matagal ng balak. Ang burahin sa mundo ang sanhi ng lahat ng kanyang problema. Tumigil ang kanyang inaabangan sa kanto para tumawid sa kabilang kanto. Agad niyang hinila ang dalaga at saka tinakpan ng panyong may gamot. Isinakay niya si Nathalie sa kanyang kotse at saka dinala sa isang lumang bahay na wala ng nakatira.

                Nang dumilat si Nathalie ay nakita niya ang nakangising si Nina.

                “Nina! Anong nangyari?” tanong ni Nathalie sa kaibigan at saka tinignan ang paligid. “Asan tayo?”

                “Nasaan tayo? Narito tayo ngayon sa magiging katapusan mo!” saad ni Nina.

                Kumunot ang noo ni Nathalie sa sinabi ng kaibigan. “Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?”

                “Ikaw ang dahilan ng lahat! Ikaw!” matigas na sabi ni Nina saka tumayo.

                Akmang tatayo din si Nathalie ngunit nakita niyang nakatali ang kanyang mga kamay at paa. “Nina! Pakawalan mo ako!” natatakot na sabi ni Nathalie sa kaibigan.

                “Ayaw ko nga! Bakit? May balak ka na namang solohin ang lahat?” tanong ni Nina sa mapangasar na tono.

                “Solohin?”

                “Oo! Solohin! Akala ko ba palagi tayong magkasama? Bakit ngayon?! Bakit ngayon ikaw masaya samantalang ako parang nasa impyerno!” kumuha ng asido si Nina saka lumapit kay Nathalie at hinawakan ang mukha.  “Mula ngayon ang mukhang ito ay di na makikilala ng lahat” sabi niya saka binuhusan ng asido ang mukha ng kaibigan. Napahiyaw si Nathalie sa sakit na nadama samantalang si Nina ay tawa ng tawa. “Hindi ka na mamahalin ni Ramon simula ngayon” saka muling tumawa.

                Pagkatapos buhusan ng asido ang mukha ay pinaghahampas naman ng kahoy ni Nina si Nathalie. “Unfair ka! Unfair! Bakit madaming nagmamahal sa iyo! Sa akin wala! Bakit?” hiyaw ni Nina na parang baliw.

                “Tama na Nina! Maawa ka!” nasasaktang hiyaw ni Nathalie sa bawat hambalos na kanyang natatanggap mula sa kaibigan.

                “Maawa? Bakit ako maaawa? Dapat sa iyo mamatay na! Akala ko ba lagi tayong magkasama? Nakilala mo lang si Ramon nakalimutan mo na ako! Iniwan mo akong nag-iisa! Dapat akin lahat ng atensyon na napupunta sa iyo! Akin lang dapat! Sawa na akong magkameron ng kahati!” galit na sigaw ni Nina habang si Nathalie naman ay hinang hina na sa tinamong hambalos mula sa kaibigan. Nahagip ng mga mata ni Nina ang tubo sa kanyang tabi at agad kinuha. Ang tubo naman ang sunod na pinanghampas ni Nina sa katawan ng kanyang kaibigan. Hindi pa nasiyahan, tinusok pa niya ng tubo ang katawan ng kaibigan. Ang dulo ng bilog na tubo ay bumabaon sa katawan ni Nathalie na nagiging sanhi para madurog ang mga buto ng dalaga.

                Madami ang naghanap at nagtaka kung saan na napunta si Nathalie. Ilang lingo silang balisa sa paghahanap sa isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. Ang pamilya ni Nathalie ay nawawalan na ng pag-asang makita pa ang dalaga. Naisuplong na nila sa pulis ang pangyayari ngunit kahit ang mga ito ay walang nagawa para lutasin ang kaso ng pagkawala ni Nathalie.

                Hanggang isang araw, may nabalitaan sila. May patay daw sa isang lumang bahay sa kanilang bayan. Kinutuban sila at agad pumunta sa lugar. Lahat ay nagimbal sa nasaksihan. Isang babaeng lapnos ang mukha, durog-durog ang katawan na animo isang manyika na ipinako sa pader ng bahay. Gula-gulanit ang damit at ang natuyong dugo na umagos sa naaagnas na bangkay ay nakamarka na sa pader.

                Si Nathalie ang babae na nakasadlak sa kalunos-lunos na kamatayan. Walang awa ang gumawa sa kanya ng krimeng iyon. At si Nina? Ayun nabaliw sa krimeng kanyang ginawa. Humihingi ng tawad sa kaibigang kanyang pinaslang. Anong lupit na nagagawa ng selos at inggit? Mula sa isang mabuting kaibigan ay hahantong sa isang malagim na kamatayan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan at Kamatayan By: SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon