Previous Page of 3Next Page

Kaibigan at Kamatayan By: Sunpriestess

spinner.gif

                “Basta magkasama ang dalawang iyan. Walang makakatalo sa kanila” sabi ng isa sa mga nanonood habang nakatingin sa dalawang babae na ngayon ay binibigyan ng award sa pagkapanalo sa Philippine National Quiz Bee.

                Sinong hindi hahanga sa dalawang nakakamanghang tandem ng magkaibigan. Si Nina, ang babaeng hinahangaan pagdating sa diskarte at sa galing sa iba’t ibang teknolohiya. Si Nathalie, ang babaeng hinahangaan pagdating sa pagpaplano at nagtataglay ng maraming talento. Parehong matalino ang dalawa at kapag pinagsama, ang mga bagay na akala mo ay imposible nagiging posible.

                Matalik na magkaibigan ang dalawa. Sanggang dikit! Walang iwanan! At kapwa nagtataglay ng magkaibang kagandahan. Si Nina, may magandang mukha at likas na malambing kaya maraming nahuhumaling na lalake sa kanya. Pantasya ng bayan! Ang mga lalakeng nanliligaw pila-pila. Si Nathalie naman, ang taglay na kagandahan ay mahirap iresist  ngunit mailap pagdating sa mga lalake. Suplada! Mahirap lapitan! Lahat ng lalake ay natatakot sa kanya kasi palaging nakasinghal pero pagdating sa mga babae ay mabait naman.

                Ang pagkakaibigan ay nadala nila hanggang sa magkameron na sila ng sari-sariling buhay. Kapwa nagtatrabaho na at mahusay sa kanilang napiling career. Ngunit hanggang sa kanilang kasalukuyang buhay ay dala pa rin nila ang kanilang ugali. Si Nathalie nananatiling mailap samantalang si Nina naman ay nagpapakasasa sa atensyon ng mga lalake sa kanya.

                Nagtataka si Nina sa ugali ng kanyang kaibigan. Dalaga na sila at kahit kailan ay hindi pa nakakaranas magkameron ng kasintahan ang kanyang matalik na kaibigan na si Nathalie. Isang gabi ay tinanong niya ang dalaga at doon niya nalaman ang katotohanan. Si Nathalie ay biktima ng rape. At naniniwala ang kanyang kaibigan na wala ng lalakeng makakatanggap pa dito.

                Lumipas ang panahon, nanatiling matibay ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit, dumating ang panahon kung kailan may lalakeng nakabihag sa puso ni Nathalie. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa. Si Ramon, ang lalakeng bumihag at tumanggap ng buong buo kay Nathalie. Anuman ang nakaraan ng dalaga ay kanyang natanggap. Wala siyang pakialam kahit anuman ang nakaraan ng dalaga. Dahil iisa lang ang alam niya, mahal na mahal niya si Nathalie.

                Si Nina naman ay nagsasawa na sa kanyang buhay. Maganda nga siya ngunit bakit walang lalakeng katulad ni Ramon ang nahumaling sa kanya. Madaming lalake ang nakabuntot sa kanya pero kapag nakikita niya ang kanyang kaibigan na masaya sa piling ng binata ay di niya mapigilang mainggit. Naging close din naman sila ni Ramon bakit kay Nathalie pa napunta ang binata. Sandali lang naman ang pagkakakilala ng dalawa. Noong una nga ay magkaaway ang dalawa ngunit heto na ngayon at naglalambingan. Napasimangot siya ng makitang hinalikan ni Ramon si Nathalie sa pisngi. Bakit sa lahat ng lalake ay tanging si Ramon lang ang hindi nahulog sa kanyang angking lambing at kagandahan.

                Palaging bad mood si Nina at lahat ng kanyang problema ay sinasabi niya kay Nathalie. Pero ngayon ay ayaw na niyang magsabi ng kahit anupaman sa kaibigan. Feeling kasi niya ay hindi na niya kaya pang pagkatiwalaan ang matalik na kaibigan. Nawawalan na kasi ito ng oras sa kanya at palagi na lang na kay Ramon! Ramon! Palagi na lang si Ramon! Wala na bang iba kundi si Ramon!

                Palagi siyang kasama ng dalawa ngunit nagkakameron ang mga ito ng sariling mundo. Ang resulta? Palagi siyang out of place. Naiinis na siya! Ano ba ang meron si Nathalie na wala siya? Ano ba ang nakita ni Ramon dito? Bakit parang kinakalimutan na siya ng mundo.

                Pagkauwi ay agad nasipa ni Nina ang lamesita ng kanyang sofa set sa kanyang tinutuluyang apartment. Pagkatapos ay saka pabalagbag na umupo sa sofa. Paano humantong sa ganoon ang kanyang buhay? Bakit si Nathalie ay masaya samantalang siya ay miserable ang buhay? Hindi ba’t pareho sila. Magkapartner! Bakit pagdating sa kaligayahan ay napag-iiwanan siya.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (5)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended