Prologue

4 1 0
                                    


  
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing

 

Napabalikwas ako nang maranig ang pag tunog nang alarm clock ko. Umaga nanaman pala. Papasok nanaman ako sa trabaho. Pero inaantok pa ako. Pero kailangan ko ding pumasok kasi kailangan ko.
       
  
            
                    
            
"Aaaaaaarrrrrrrrrggggggggghhhhhh"
        
      
 

   

Bumangon na ako at ininom ang isang basong tubig sa maliit na lamesa sa tabi nang aking kama. Buti naman at hindi na nakalimutan ni manang Sally mag lagay nang isang basong tubig sa kwarto ko tuwing umaga at bago ako dumating sa bahay sa gabi. Gusto ko kasing uminom nang tubig bago matulog at pagka-gising.
 

       
      
       

Pagkatapos kong ubusin ang tubig ay dumiretso na ako sa cr sa kwarto ko at nag ayos. Papasok pa kasi ako sa trabaho. Isa akong doktor sa Linhue Medical Centre. Kinuha ko na ang aking isusuot at kinuha ang name template ko pati na rin ang aking uniform.
      
 

        
          

'Charlotte Louisse David'
'Neuro-surgeon'
'Fellow'
 

       
          
           

Lumabas na ako sa cr at lumabas na rin ako nang kwarto. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina at kumain. At pagkatapos noon ay nag tooth brush na ako at lumabas na nang bahay. Sumakay ako sa kotse ko at kaagad naman akong pinagbuksan nang gate ni manang Adel.
 

      
              
                

"Ay iha! iha! Sandali lang iha!" sigaw nang pamilyar na boses.
       
 

       
                

Napatigil ako sa pagmamaneho at lumingon. Nakita ko si Manang Sally na mabilis na naglalakad papunta sa kotse ko. Nang makalapit siya ay ibinababa ko ang bintana nang kotse ko at kaagad naman siyang nagsalita.
 

           
            
                

"Iha, pinapasabi pala nang iyong mommy at daddy na hindi sila nakasabay sa'yo sa pag kain nang almusal kasi may meeting daw ang mommy mo sa Maynila at yung daddy mo naman sa Pangasinan. Pasensiya ka na daw ha iha." saad nang yaya.
 

            
          
           

Napatingin ako sa mga mata niya.
 

         
                
            

'5 years, 7 months, 9 hours, 3 minutes, and 20 seconds'
 

          
           
          

Hindi na ako nagulat sa nakita ko. Gusto ko mang sabihin kay manang Sally, hindi maaari dahil malalaman niya ang sikreto ko. Wala rin namang magbabago kung sasabihin ko sa kanya. Hindi ko mababago ang kapalaran.
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Your EyesWhere stories live. Discover now