[7]

907 15 5
                                    

Chapter 7

Hindi ako makapaniwala na napaamin ako ng wala sa oras hindi lang kay Daniel kundi sa sarili ko, mahal ko nga si Daniel kaya siguro ako nagseselos kahapon.

Ang saya lang isipin na alam na niya na mahal ko siya. Sana lagi kaming masaya. Sinabi na din niya sa akin kung sino si Julia, best friend niya si Julia simula bata palang sila, Julia Santos nag-aral siya sa Paris pero ngayon bumalik siya ng dahil sa hindi ko alam.

Basta wala daw akong dapat ipagselos kay Julia dahil ako daw yung mahal niya.

Eto kami ngayon sa classroom at si Daniel sweet as ever, dumating na din sila Khalil at Enrique, nag hi sila sa amin at si Enrique naman nag smile sa akin. Siguro dahil okay na kami?

“Oh ang sweet niyo ata.” Pag aasar ni Khalil kasi si Daniel nakapatong parin yung ulo sa balikat ko.

“Mahal daw ako ni Kath eh.” Sabi ni Daniel na dahilan ng papupula ko.

“OH?” si Khalil nagulat

Nagkakaasaran na nang biglang dumating si Julia “Hey guys.” Pag bati niya. Pumunta siya sa amin, tinignan niya ako “Hi we haven’t formally meet so I’m Julia Santos at wala kang dapat ipagselos sa akin, I’m just his best friend.” Sabi niya sabay abot nung kamay niya at nakipag-shake hands siya sa akin.

“Tss.” I heard Enrique pero not so sure. Tumalikod siya at naglakad.

“Wait Enrique we have to talk.” Hinabol naman siya ni Julia.

Weird.

“Kailan pa gustong makipagusap ni Julia kay Enrique?” natanong ni Khalil.

“Julia is Enrique’s new fiancée.” Sabi naman ni Daniel at tumingin siya sa akin at ngumiti. So meaning nakahanap na sila ng bagong papalit sa akin?

Pero mas maganda nga yun diba? Yung kababata nalang niya kaysa sa total stranger?

“Oh really? Edi aso’t pusa ang dalawa.” Sabi ni Khalil…

I’ve learned that never nagkasundo si Julia at Enrique dahil daw super arte ni Julia at inis na inis si Enrique sa kaartehan niya. Lagi daw nagaaway yung dalawa pag nagsasama sa iisang kwarto, so paano nga sila magsasama niyan?

Eh basta masaya na ako kasi mahal ko na si Daniel at eto na ang bago kong buhay kasama si Daniel. Tinignan ko si Daniel at ngumiti sa kanya.

“I love you Kath.” Sabi niya.

Enrique’s Point of View

Naglakad na ako palabas ng classroom namin, naiinis lang ako hindi lang kay Julia pati kayla Daniel at Kath, napakasweet nila sa isa’t isa.

Tas si Julia naman napaka-plastic, best friend lang daw pero mahal naman niya tss.

Andito ako ngayon sa rooftop, naalala ko na naman yung kahapon, kahit lagi kaming nagtatalo ni Kath still naging mabait siya sa akin kahapon, kaya lang naman ayaw ko sa kanya dati kasi kamukha niya si Leila, kamukhang kamukha niya talaga si Leila at naiinis ako kasi patay na si Leila.

Pero araw araw din akong tumitingin kay Kath at nagagandahan ako sa kanya, masayahin siya.

“Hoy.” Pag tawag ni Julia, sumunod pala siya sa akin. “Ayokong ma-engage sayo.” Diretso niyang sabi sa akin.

As if naman na gusto ko din. Mas gugustuhin ko pa si Leila dahil tahimik lang daw yun. Pero kahit anong gawin ko naman eh makakasal parin ako kay Julia dahil ayun ang gusto ng magulang ko, I’m just their pet.

Just a Spoonful of Love [Part One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon