Baliw na si Crush(One Shot Story)

7K 489 104
                                    

Baliw na si Crush(One Shot Story)

_________________________________________________

Written by Felix_Jayson. 

Enjoy Reading guys kahit hindi ka-enjoy-enjoy hahahahaha. XD. Dedicated nga pala kay Remy Ann ang baliw kong piggyrideback... Hohoho. Hahaha.. Maganda 'yan at cute.

_________________________________________________

Nakakabwisit! male-late nanaman ako. Sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos ang araw eh palagi akong late. Kaasar! Ngayon mas late na late na ako. Paano ba naman eto ako tinatakbo ang school, peste kasing traffic 'yan. Kung hindi ba naman kasi nagkabangaan yung dalawang siraulong driver ng kotseng 'yon sana maaga ako sa school at baka ito pa ang kauna-unahang pumasok ako ng maaga sa school. Baka bigyan pa ako ng parangal kainis talaga. Baka sa sobrang katatakbo ko dito eh sobrang pawis rin ako.

Mahigipit pa naman sa Kingdom Hearts Academy. Nakakainis talaga. Nang matanaw ko na ang napakalaking kulay pulang gate nang Kindom Hearts Academy namay mga hugis pusong disenyo ay mas binilisan ko pa ang aking takbo. First period pa naman namin Physics kaasar napaka-terror pa naman non ni sir Felix!. 

Nang makarating na ako sa gate. Binati ako ng guard ngunit hindi ko na pinansin 'yon dahil talagang late na 'ko, at suguro 30 minutes late na ako. Habang tumatakbo ako napansin ko ang isang muka.

'Malasin mo nga naman daw ang magaganda sa una, swerte naman sa kalaunan!' 

'Yan ang kasabihang natutunan ko kay Katelyn Cruz, pinaka-idol kong artista grabe napakagaling non, anyways kaya ko naalala ang kasabihang 'yan ay O my gooooooooooooooooooocha! Andyan si Blue yung crush ko. Mula sa pagtakbo ko, binagalan ko ang paglalakad. Wala nang late-late sa taong malandi tandaan niyo 'yan. 

Ako lang ata o ano, bigla rin binagalan ni Blue yung paglalakad niya at mga ilang segundo magkasabay nakaming maglakad. Shocks anong gagawin ko kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko kasunod non ang sunod-sunod kong paglunok at kasunod rin non ang pagka-conscious tuloy sa aking sarili. Alam mo yung feeling na andyan si crush, feeling ko may muta ako may kulangot ako at kakagaling ko lang sa napakahabang takbuhan baka mamaya amoy putok ako. 

Ngunit sabi nga nila act like a normal person pag katabi si Crush at gano'n nga ang ginawa ko. Grabe hindi ko expected ang sarili kong maitago ang pagkakilig na nararamdaman ko ngayon. 

"Awooooooooooooooooooooooooooooooooo" 

Sigaw nitong katabi ko. Sino paba edi si BLUE ang mahiwaga kong crush. Ano kayang isinisigaw nito, hindi ko nalamang siya tinignan pa. Baka mamaya hindi ako makapag-pigil at biglang ibalita sa 24/7 News na.

ISANG ESTUDYANTE SA KINGDOM HEARTS UNIVERSITY NA NAGNGANGALANG PINK ANG NANGGAHASA SA ISANG MENOR DE EDAD NA LALAKI NA NAGNGANGALANG BLUE.

Hindi ko naman ata kaya 'yon. 

"Awwww, awwwwwww, awwwww, awwwww"

Animoy isang asong tumatahol itong lalaki sa tabi ko. May saltik ba 'to? Parang baliw. Kanina sumigaw at ngayon bigla-bigla nalang tumatahol nang parang aso. Baka naman merong role playing at nag-pa-practice nang lines niya! ang gwapo na nga ang sipag pa! That's a big turn on lalo.

"Broooooooooooooooom---- Tadoooooom-" 

Sigaw nanaman nito na parang ginagaya ang kidlat. Grabe namang role play 'yan. Ganyan ba ang requirement nila sa english? bakit kami walang ganyan eh senior din naman ako at senior din siya! same english teacher! Baka naman ala. Nanlaki ang mata ko ng literal! Baka may role play ang classmates ko pero hindi ako nakasama. 

Baliw na si Crush(One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon