Previous Page of 5Next Page

So You're A Gangster, That's Nice [One Shot]

Dedicated to
Filipina
spinner.gif

So You're A Gangster, That's Nice


A One Shot Story written by Alesana Marie



***~@#@~***##***~@#@~***



"You're mine.."


Ang sabi ng gwapong estranghero sa harap ko.


Palagi ko nalang syang nakikita sa mga panaginip ko.


At katulad ng iba kong panaginip, matapos nyang sabihin ang mga katagang yon, magigising na ako.


Umupo ako sa kama at napatingin sa labas, umuulan.


Napanaginipan ko na naman sya.


Ilang gabi ko na syang napapanaginipan. Kailan kaya kami magkikita?


Alam ko na totoo sya. Ilang beses ko na syang sinubukan na hanapin.


Pero hindi ko sya makita. Kahit sa school, wala sya.


Nakapagtataka dahil uniform ng school na pinapasukan ko ang suot nya.


Siguro nga pa hindi ito ang tamang panahon para magkita kami.


Naghanda na ako para sa pagpasok ko.


Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako papunta sa kusina para kumain.


Mag-isa lang ako na nakatira sa malaking bahay na ito. Ang totoo, ulila na ako at lumaki ako sa isang bahay ampunan di kalayuan sa tinitirahan ko. Nang mag-18 na ako, umalis na ako sa ampunan.


Hindi naging problema para sa akin ang pera. Kahit eighteen years old pa lang ako, milyonarya na ako. Hindi dahil pinamanahan ako ng malaking halaga ng mga namayapa kong mga magulang kundi dahil sa kakayahan ko na makita ang hinaharap.


Madali lang sa akin ang malaman kung ano ang lalabas na numero sa lotto o ang resulta sa kahit na ano'ng pustahan.


Isang regalo na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Dahil sa kakayanan nilang 'yon kaya sila namatay.


Kapag nakita ng isang katulad ko ang hinaharap, hindi ibig sabihin ay kaya ko na itong baguhin. Katulad ng mga magulang ko. Nakita nila kung ano ang kahihinatnan nila, alam nilang mamamatay na sila kaya naman ibinigay nila ako sa kaibigan nilang madre na nagpapalakad sa isang ampunan. Limang taon ako ng mga panahon na yon.


Nang iwan nila ako sa ampunan, hindi ko na sila nakita pang muli.


Kaya naman naging maingat ako sa pag-gamit ko sa kakayanan kong makita ang hinaharap. Isa 'yong leksyon, magtago at makihalo sa mga normal na tao.



St. Charles Academy.


Pangalan ng school na pinapasukan ko.


Isa itong magandang eskwelahan na para sa mga nasa high society. Ang totoo pangarap ko talaga na makapasok dito simula palang nang makita ko sya sa mga panaginip ko.


Nang makita ko ang uniporme nya, pinilit ko na pumasok sa school na 'to.


Hindi ko alam kung bakit ko sya hinahabol, kung bakit ko sya gustong makita.


Nung una, curious lang ako na makita sya.


Pero nang tumagal ang mga panaginip ko, napansin ko na nahulog na pala ako sa kanya.


Matangkad syang lalaki, sa tingin ko hanggang balikat nya lang ako. Maganda ang tindig nya at kung pano nya dalhin ang uniporme namin. May mukha sya na sa tingin ko ay hindi sanay sa pag-ngiti. Isang bagay na nalaman ko sa kanya, hindi sya isang pala ngiting tao.


Pagpasok ko sa loob ng classroom ko dumiretso na agad ako sa pinakadulong upuan.


As usual, walang kumakausap sa akin. Hindi kasi ako pala-imik sa klase. Magsasalita lang ako kapag tinatanong pero bukod don wala na.


Mas pinili ko na maging ganito, mas maingat.



"Hey girls! Nandito na sila!!!"


"Whaaaat?! Kyaaaah!!"


Nagtakbuhan palabas ng classroom ang mga kaklase kong babae.


Ngayon darating ang mga transfered students.


Sa pagkakaalam ko, anim silang puro lalaki.


Tumayo ako at lumabas. Gusto ko rin silang makita, baka isa sa kanila ang hinahanap ko.


Lahat ng nasa hallway puro babae, kakaunti ang mga lalaki.


"Galing sila sa Pendleton High alam nyo ba?"


"Yes I know!"


"Yung school na puro delinquents?!"


"Oo yun nga! Isa yung private school para sa mga boys."


"Pero bakit daw sila lumipat dito?"


"Well I heard na since umalis ang Lucky 13 sa school na 'yon, marami na ang naghari-harian na grupo sa school nila. Kaya

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (1345)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

So You're A Gangster, That's Nice [One Shot]

Cast

Junielas Juniel
L.Joeas L.Joe

Recommended

Bestfriend Ko Lang Pala.Hey Mr.paasa I love youDefeating Death [Short Story]Ang CRUSH kong LAITERO [Ongoing...]