Previous Page of 2Next Page

Society High (Editing)

spinner.gif

CHAPTER 9

JULIA'S POV

 

"In the name of the father and of the son and of the holy spirit, amen. Let's eat!" Sigaw ni Yen pagkatapos naming magdasal.

 

Nandito kaming lahat sa kusina para mag-almusal. Napatingin naman ako sa mga pagkain nakalatag sa lamesa. Merong sunny side-up eggs, hotdogs, fried rice, slices of toasted bread and eight mugs hot chocolate.

 

Nakita ko naman silang pandalas kumuha kaya nakikuha na din ako. Baka kasi maubusan ako, matatakaw pa naman ang mga ito.

 

Habang nakain kaming lahat, may napansin ako. Anyareh sa dalawang 'to at parang wala sa sarili. Nakakatitig lang kasi sina DJ at Kath sa kanilang pagkain. Nag-away ba ang dalawang 'to? Matanong nga.

 

"Bakit hindi pa kayo nakain?" Tanong ko sa kanilang dalawa at sabay na tumingin sa akin tas nagtitigan at nag-iwas din ng tingin. Ano ba kasi ang nangyayari sa dalawang 'to? Wooh, sarap pag-umpugin.

 

Kahapon naman mukhang okay pa sila. Nagkukulitan pa nga yan nung nasa pool kami. Baka naman namaligno ang dalawang 'to. Haha, dejoke.

 

"H-huh? W-wala ah." Tamo 'tong si Kath. Wala sa sarili! Ang tanong ko bakit hindi pa nakain, tas ang sagot wala ah? Lokohan lang? Napailing na lang ako bagkus at hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Baka ganyan lang si Kath kapag bagong gising, wala sa sarili. Hehe

 

"Kumain na kayo, baka maubusan pa kayo." Tumango lang naman silang dalawa sa sinabi ko. At dahil observant ako, tinititigan ko lang silang dalawa sa bawat galaw nila ng hindi man lang nila napapansin. Feeling ko may mali sa dalawang 'to eh.

 

Sumubo muna ako ng sinangag tapos uminom ng hot chocolate. Habang umiinom ako, nakita ko naman ang dalawang nasa harap ko na sabay kumuha ng toasted bread. Ang nasa ibabaw ay ang kamay ni DJ tas ang nasa ilalim ay ang kamay ni Kath.

 

"Sige, ikaw muna."

"Hindi, ikaw muna."

"Ikaw muna. Ladies first."

 

Ang arte naman ng dalawang 'to! Pwede naman kumuha na lang, may pa ikaw muna ikaw muna pang nalalaman. Bigwasan ko sila. Mwahaha

 

"Sige na nga, ako muna."

"Hindi, ako muna pala!"

"Eh? Sabi mo ladies first eh di ako muna!!!"

 

Anak ng kalabasang hilaw! Ang gulo ng dalawang 'to, pramis.

 

"Shupee nga, ako muna. Aarte niyo." Sabi ko sabay kuha ng toasted bread sa lalagyan. Kung kanina pa sana nilang kinuha at hindi sila nagtalo, eh di sana nasa tiyan na nila yung toasted bread. Hay, ewan ko nga sa kanilang dalawa.

 

 

KATHRYN'S POV

 

 

Natapos na kaming kumain kahit hindi naman ako nakakain ng maayos. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko yung sa kusina kanina, sobrang awkward. Naiilang ako sa ginawa niya dahil sa ginawa niya kagabi. Kinuha niya ang first kiss ko!

 

Napabuntong hininga na lang ulit ako at napagdesisyunang umakyat na papuntang taas. Maglilinis pa nga pala kami ng lahat ng bedrooms. Lalo namang awkward kasi kami lang dalawa ang magkasama! Nakakastress.

 

Ang kauna-unahang kwartong lilinisin namin ay kay Kiray kaya duon na ako pumunta. Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong kwarto at sa tingin ko naman ay hindi ako mahihirapang maglinis kasi hindi naman masyadong makalat. Kailangan ko lang sigurong walisin at punasan ang mga iba-ibabaw kasi medyo magabok.

 

Kukuhanin ko na sana ang walis tambo kaso nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Sino pa nga ba? Wala namang iba kundi siya...

 

"Kath..." Ultimo mismong pagtawag niya, nakakakilabot. Umayos ka nga Kath. Saway ko sa sarili ko.

 

"B-bakit DJ?" Sabi ko sabay harap sa kanya. Bakit ako nauutal?

 

"Can I talk to you?" He asked me awkwardly. Ramdam ko iyon na naiilang din siya sa akin dahil sa nangyari kahapon.

 

"Nag-uusap na naman tayo ah?" Sabi ko sabay talikod para magwalis. Ramdam ko naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. At lalo naman akong naiilang.

 

Hindi ko kita ang reaction niya, pero sa tingin ko nainis siya sa sagot ko. Pilosopohin mo ba naman? Ampupu naman kasi Kath eh, bakit ba ayun ang sinabi mo? Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil doon.

 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (121)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 9

Cast

Kathryn Bernardoas Kath
Daniel Padillaas DJ

Who's Reading

Recommended