***      

Nagkaroon ng goupings para sa research sa isang subject namin. Natuwa ako ng malaman na kagrupo ko siyam kaya lang useless din kasi may clash nga pala. -____-      

 

 

"Yo! Tara kain na tayo." pagyaya sakin ni Xander.    

"Saan na si Josh?" tanong naman ni Ken.    

"Nauna na. Gutom na raw siya kasi."     

Nagpunta na nga kaming canteen at di ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa eksenang naabutan ko. May palabok sa ulo si Josh at nakikipagsigawan kay Sab. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao. Nilapitan namin sila.  

   

"O, bat may palabok ka sa ulo?" tanong ko kay Josh

 "Nilagay ko sa ulo niya. Bakit?!" singit ni Sab.

"AT SINO KA PARA GAWIN SA KANYA YUN?!" sigaw ko kay Sab.

"AT SINO KA RIN PARA SIGAWAN ANG KAIBIGAN KO?!" sigaw sakin ni Zoe. Natameme ako bigla. Si Zoe yan e. Ibang usapan na. Buti na lang naisalba ako ni Ken.

Ang tatapang talaga ng apat na 'to. Since they came sa Kingdom high, our stay here became more.. exciting. Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Zoe. "LAHAT KAYO!! MAKINIG KAYO SAKIN!! STARTING FROM THIS DAY, HINDI NA KO PAPAYAG NA MAGP-API LANG SA INYONG MGA WALANG KWENTANG LALAKI!! KAYA WAG NA WAG NIYO NG BALAKIN ANG APIHIN AKO AT ANG LAHAT NG BABAE SA  ESKWELAHAN NA 'TO!! PANTAY PANTAY LANG ANG BINABAYAD NATING TUITION FEE KAYA WALA KAYONG KARAPATANG MAGHARIHARIAN!! KUNG GUSTO NIYO KAYONG MGA LALAKI LANG ANG NASUSUNOD, WAG NA KAYONG MAG-ARAL DITO. MAGTRANSFER NA LANG KAYO SA SCHOOL FOR BOYS!! KAYA SIMULA NGAYON, ANG LALAKI AT BABAE NA NAG-AARAL SA KINGDOM HIGH AY MAGIGING PANTAY!!"

 

 

 

Binara sya nung lalaking malapit sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatalo. Astig talaga ng babaeng 'to. Naglakad ako papunta sa malapit na table at kumuha ng baso na may lamang juice at sumingit sa usapan nila.

"Zoe. Sigurado ka bang kaya mo kami? Kaya NIYO kami? Siguradong mas malakas kami kung ikukumpara sa inyong mga babae. Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya. Ni hindi ko nga siya tiningnan nun kasi alam kong kapag tumingin ako, di ko magagawang sabihin ang mga bagay na yun sa kanya.