Previous Page of 3Next Page

Never Talk Back To A Gangster! [2nd Half--FIN]

Dedicated to
madieberswag
spinner.gif

Dedicated to madie. madeleine pala un, not madeline na cartoons pambata sa umaga. Sya si Maddie, yung nasa Princess and I. XD


Ch.89 - Hold Me Tight



Breathless, I pulled away from the kiss.


Huminga ako nang malalim bago sya tignan ng diretso. Unti-unti nang sumisikat ang araw kaya naman nakikita ko na ang mukha nya.


He was just as breathless and dazed as me. Hindi parin nawawala ang after effects ng halik namin.


Nakatingin rin sya sa akin na may malumanay na ngiti sa labi.


Pakiramdam ko ilang taon ko syang hindi nakita. Sobrang na-miss ko sya. Na-miss ko ang mga yakap at halik nya sa akin. Na-miss ko ang ngiti nya at ang pagtingin nya sa akin na may halong pagmamahal. Tinitignan nya ako na parang ako na ang pinakaimportanteng tao sa buhay nya.


Bigla nalang akong naluha.


Bakit ako naniwala? Paano ko naisip na hindi na nga talaga ako mahal ni Timothy?


Siguro dahil... alam ko na hindi ako deserving sa pagmamahal nya. Na darating din ang araw na may mamahalin si Timothy na mas higit pa sa akin. Na iiwan nya ako dahil nakakapagod akong mahalin.


Iiwan nya ako katulad ng mga magulang ko.


Pero napaka-stupid ko para isipin yon. Hindi sya katulad ng parents ko. Para kay Timothy, ako lang ang mahalaga wala nang iba pa. Halos sa akin na nga umikot ang buong mundo nya.


Walang naging ibang babae si Timothy. Ako lang.


Kahit kailan hindi sya tumingin sa ibang babae, sa akin lang. Kaya naman bakit ko naisip na ipinagpalit nya ako nang ganon kadali?


Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.


Naturingan akong top student sa klase tapos ang hina ko pagdating dito. Ang hina ko pagdating sa pagtitiwala sa pagmamahal sa'kin ni Timothy.


"I'm sorry Timothy," sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.


"Retard, that's my line," ngumiti sya pero seryoso ang mga mata nya "If there's someone who should say 'sorry', that's me. Not you," hinalikan nya ang noo ko.


Pinunasan nya ang luha ko.


"I'm sorry I did something stupid. I'm sorry I let you go."


Naluha na naman ako sa sinabi nya.


"No, kasalanan ko rin. Sumuko ako agad, I'm sorry.."


"Miracle," tinititigan nya ako "please stop saying you're sorry. It's my fault."


"Pero kasalanan ko naman talaga-"


"I almost lost you," sabi nya sa nahihirapang tono "Because of me you almost died, please Miracle I can't--it's my fault--I can't bear it. Don't. Just don't."


Niyakap nya ako nang napakahigpit.


Ngayon alam ko na. Alam ko na kung ano ang pinaka-nagpapahirap sa kalooban nya.


'I tried to kill myself' naaalala kong sinabi ko sa kanya noon.


Nasasaktan sya dahil don. Dahil alam nyang sya ang dahilan kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon.


"I messed up. This is all my fault. I fcking messed us up. I'm so sorry Miracle. I'm so sorry I hurt you. I'm so sorry."


Hinimas ko ang likod nya. Hinayaan kong yakapin nya ako nang matagal.


"Nung sinabi ko sa'yo na tinangka kong patayin ang sarili ko, nang mga panahon na 'yon wala akong maramdaman. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Something inside me.. just shut off. Naaalala ko ang mga ginawa ko, naaalala ko kung gaano kasarado ang emosyon ko."


Itinulak ko nang bahagya ang magkabilang balikat nya para makita ang mukha nya.


"Nag-sinungaling ako Timothy," umiling ako "Hindi ko ginawa 'yon sa sarili ko. Alam ko kasi na masasaktan ka. Hindi totoo ang sinabi ko sa'yo."


Hinaplos ko ang pisngi nya at huminga nang malalim.


"What do you.. mean?"


"Hindi ko--Hindi ako nagtangka na magpakamatay Timothy. Kahit na sobrang sakit at kahit na ilang beses kong hiniling na mawala na ako hindi ko parin ginawa 'yon. Hindi ko kaya, alam ko na sisisihin mo ang sarili mo. Alam ko na ikaw ang sisisihin ng ibang tao," yumuko ako "Hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo Timothy"


Umiling ako at tinignan ang ekspresyon nya.


"Kaya.. I'm sorry. Ang totoo, aksidente lang ang nangyari. Tumatakbo ako noon, magulo ang isip ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta."

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (1132)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Ch.89 - Hold Me Tight

Cast

T.O.Pas Timothy Odelle Pendleton
Han Hyo Jooas Miracle Samantha Perez
Kim Jaejoongas Red Dela Cruz
Kwon Jiyongas GD/Uno
Victoria Songas Audrey dela Cruz
Shin MinAhas Michie Sta Maria
Jessica Jungas China dela Vega
Tiffany Hwangas Maggie dela Vega

Recommended

Love GuitarStealing The Heart of My Gay Professor (SLOW UPDATE)MEMORY CARDMy Super Hot Boyfriend