Chapter 13

6.4K 47 3
                                    

"Saaaars!!!" Bungad ng kaibigang si Rachelle. Yumakap ito kay Sarah. "oh my god! I missed you!" "Namiss din kita Rachelle! Kamusta ka na?" "Naku ganun pa rin! Mamya na tayo mgkwentuhan ha?" Tumango si Sarah. "Hi tita good evening po!" bati ni Rachelle kay mommy Divine.

Dumating sa bahay si Rachelle upang sunduin si Sarah. Nagplano silang magkakaibigan na mag-dinner sa labas at mag-bar pagkatapos. "Ingat kayo ha at huwag masyadong uminom?!" bilin ni mommy Divine. "Opo ma dont worry." sagot ni Sarah at humalik siya rito.

Sa isang restaurant sa Eastwood ang meeting place ng magkakaibigan. Sarah felt warm and at peace with her friends. At that moment, naging masaya siya at nakalimutan ang sakit na nararamdaman.

"Sars, may papakilala ako sayo. Gusto mo ng blind date? Gwapo to, anak ng governor ng Camarines Sur! Nameet nmen sya sa isang charity event. Ano gusto mo?" "Baliw ka talaga Yeng!" Natatawang sagot ni Sarah. "Huy Yeng, sakin mo na lang i-blind date yan please?!" Pabiro ni Rachelle. "Naku ikaw talaga Rachelle, ayaw mong nababakante ka eh. Pwede ba kahit isang araw lang huwag ka muna magboyfriend?" sagot ni Yeng. Nagtawanan silang tatlo.

After ng dinner dumiretso sila sa isang bar. Isang acoustic band ang nagpeperform. Naguusap sa isang sulok si Sarah at Rachelle. Hinawakan ni Rachelle ang kamay ni Sarah. "Don't be sad Sars. Kaya mo yan. Andito lang ako, kami nina Yeng. Okay?" "Thank you. Sobrang sakit lang talaga, hindi ko alam ang gagawin ko." Naiiyak na sabi ni Sarah. Niyakap ni Rachelle si Sarah.

Nakaharap sa laptop si Gerald. Binuksan niya ang kanyang facebook account. While scrolling down the news feed, may nakita sya. Dali dali niyang tinawagan si Fred. "Bro, libis tayo ngayon na!" "Bakit bro anong meron sa libis?" "Nandun si Sarah!" sagot ni Gerald. "Bro ang laki ng libis saan don?" "Basta alam ko kung saan. Nandiyan na ko sa inyo in 10 mins." "Bro wait lang nman! Nagdodota pa ko!...Hello? Hello?" Napailing na lng si Fred. Wala na pala sa kabilang linya si Gerald.

"Bro ang tagal mo!" bungad ni Gerald pagsakay ni Fred sa kotse. "Bro andito na nga ako eh. Nasira ang schedule ko sayo! Ano nakausap mo na ba si Sarah?" tanong ni Fred. "Hindi nga eh. Minsan kasi sasagot sa tawag ko. Pero mas madalas hindi sumasagot."

"So pano mo nalaman na nasa libis siya?" "Nakita ko sa facebook. Tinag siya ng friend nya sa check-in location. Kaya alam ko kung nasan sya ngayon." nakangiting sabi ni Gerald. "Ah so stalker tayo ngayon?" tanong ni Fred. "Hindi bro. Magpapakita tayo sa kanya." "Aaaawwww. Sana nagdota na lang ako." Biro ni Fred.

Almost 12:30 am. Tumingin si Sarah sa relo niya. Mejo crowded na ang bar, maingay at mausok na. Tumingin siya sa itaas. Umiikot na ang paningin niya. "Sars?" hinawakan siya ni Rachelle sa likod. "Okay ka lang?" "Oo naman!" Masiglang sagot ni Sarah. "Mejo marami ka na atang nainom eh." sambit ni Rachelle. "Friend, im perfectly fine! Dont worry! Enjoy lang tayo okay?" Kinuha ni Sarah ang margarita nya at tinapat sa mukha ni Rachelle.

Hindi sanay na umiinom si Sarah. "Tara. Oh, cheers tayo!" sabi ni Sarah. Kinuha ni Yeng ang kamay ni Sarah. "Sars! Tara sayaw tayo!Dali!" Hinila niya ito patayo. "Game!!" sigaw ni Sarah. Sumunod din si Rachelle sa dance floor.

"Bro ano? Nakita mo na? Sure ka ba na dito yon?" "Oo sure ako dito yon. Relax ka lang diyan." Sagot ni Gerald. Inikot ni Gerald ang paningin niya. "Tara dun tayo sa bar. May clearer view from don." Umupo sila sa bar at umorder ng drinks. Habang umiinom, Gerald slowly and carefully searched the bar. "Nararamdaman kong nandito ka Sarah." Tinignan niya ang dance floor. Crowded. Sa may bandang gitna, nakita niya si Sarah. Gerald felt his heart skip a beat.

Tinitigan niya si Sarah habang sumasayaw ito. Naka plain black na knee length haltered dress si Sarah at nakalugay ang buhok. Gerald find her so sexy and beautiful. Mukhang enjoy na enjoy si Sarah. "Bro, nakita ko na siya. Nasa dance floor. Lalapit tayo pag balik niya sa table nila ok?" "Call! Oh, inom pa tayo! Sambit ni Fred.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon