Chapter 20

74.1K 1.2K 97
                                    

Kyaaaaaaaaaaaaaahhhh! Oh please Lord! Kung nananaginip lang ako huwag niyo na po akong gisingin. Mas gusto ko rito sa pwesto ko ngayon habang katabi ang prinsipe ko. Dito pala sila sa last section napa-merged! Yes! Ang swerte naman! Katabi ko sa upuan si Nathan ngayon. Hindi naman makaangal si Joshuang bading dahil syempre si Nathan na 'yun eh! Patay na patay pa naman siya kay Nathan. Hah! Sorry na lang dahil ako ang katabi niya.

Sobrang lapad ng ngiti ko dahil hindi lang si Nathan ang nandito. Nandito ang Three Prince! Nakakatuwa naman! Ang swerte ng section namin. At mas maswerte ako kasi hindi ko na kailangan pang puntahan kay Nathan dahil siya pa mismo ang pumunta rito.

"Okay class, since nasa third quarter na tayo, magkakaroon tayo ng new seating arrangement."

Ang epal ni Ma'am! Hindi pa nag-iinit ang pwet ko rito sa upuan habang katabi ko si Nathan tapos magbabago na ng seating arrangement? Ang daya! Bakit ngayon pa? Eh nung second quarter nga hindi naman nagpalit.

"Bakit?!" sigaw ko na may pagtayo pa. Nahiya naman ako sa ginawa ko kaya umupo na ulit ako. Masyado kasi akong nadala sa sinabi ng teacher namin.

"Patay na patay ka talaga sakin." He smirked habang nagpapaikot ng ballpen sa mga kamay niya. Gustong tumulo ng laway ko sa sobrang gwapo niya pero buti napigilan ko.

Wow! Ang galing ng Nathan kong magpaikot ng ballpen sa kamay. Nag-belat na lang ako sa kanya at saka ulit tumingin sa unahan.

"Syempre," I said without looking at him. Nakangiti pa ako nang sinabi ko 'yun. Biglang nalaglag ang ballpen na hawak niya kaya napatingin ako. Namumula siya. Eh? Mainit ba? Hindi naman ah?

Pinulot ko 'yung ballpen pero iyon din pala ang nasa isip niya. Oh no! Nahawakan niya ang kamay ko. Oh yes pala!

"Ito oh..." habang iniaabot ko sa kanya 'yung ballpen. Di naman siya umimik at tumingin na lang sa unahan. But I saw him smile. Nang dahil doon ay napanatag ang loob ko. Hindi na siya galit sa akin. Pero bakit nga ba siya nagalit?

Lahat kami ay isa-isang pumunta sa unahan para sa bunutan ng bagong seating arrangement. Bawat silya may number at kung ano ang number na mabunot mo, 'yun na magiging pwesto mo for the whole quarter. Nakabunot na 'yung iba at nasa kani-kanila na silang silya. Time ko na para bumunot. Ang nakuha kong number ay 16 so pang second colum, third row ako.

Waaah! Sana makatabi ko ulit si Nathan!

Nakabunot na 'yung iba pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakakatabi. Hindi pa nakakabunot si Nathan. Sana naman makatabi ko ulit siya. Okay na kasi 'yung pwesto kanina eh. Tsk!

Turn na ni Nathan bumunot at ang nakuha niya ay... number 15!

"Yes."Ang saya!

"Oh, ano? Tuwa ka na naman dahil ako na naman ang katabi mo?" sabi niya pagkaupo. Ngumiti na lang ako sa kanya dahil natutuwa talaga ako sa nangyayari.

Nagulat na lang ako nang may gumulo sa buhok ko.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon