Chapter 1

67.8K 956 222
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Sigaw ni Lance. Bagong gising lang napahaba ang tulog dahil may hang over pa kagabi.

dinampot ang cellphone at tinignan ang oras 11:00pm na. Meron na din syang 22 messages at 14 miss calls mula sa taong nag-aantay sa kanya sa kanilang tagpuan.

"Bullshit! Super late na ako. Sinusumpa ko na ang alak na yan. Di na ulit ako iinom ng alak!"

Dali daling bumangon si Lance, pumunta sa ref para kumuha ng tubig, pag bukas nya ng ref walang tubig, nakakita sya ng beer.

"Pede na ito, next time na lang ako hindi iinom"

Pumasok sya ng cr upang magshower.

Hinubad ang mga saplot. Revealing his heavenly curved body. Well toned shoulder, biceps, triceps, well pumped chest, abs na six pack, magandang cuts sa oblique and hamstrings, wooooooo!!! Kahit akong writer nito ay naglalaway sa kanya, isa lang masasabi ko, perfect body! Sinabayan pa ng pagiging chinito nya maputi, clean hair cut, matangos na ilong at kissable lips, wala ka ng hahanapin pa! Ooooh la la!

Binuksan ang shower at naligo, binasa lang ang katawan at nagsabon half body.. Hanggang singit lang to be exact. At nagbanlaw. Gwapo lang pero tulad lang ng mga typical na lalaking nagmamadali, bara-bara na maligo.

"Woooooh lamig ng tubig, ligo na lang ulit ako pag uwi."

Lumabas sya ng banyo na walang tuwalya dahil naiwan nya ito. Basang basa na tumutulo ang tubig mula sa kanyang katawan. Kapag talaga gwapong lalaki ang nasa ganitong eksena nakapa-hot pero pag hindi gwapo siguradong makakaramdam ka ng paninibugho at poot.

Dali-daling nagpunas ng katawan si Lance at nagbihis, sinuot ang boxers, hindi sya nagbibrief. mas presko daw ang boxers. Nagpants at nag tshirt, sinuot ang bagong bili nyang KD na shoes at nagmamadaling lumabas sa condo.

Pagsakay sa kanyang kotse, pinadagundong na agad ang kanyang malakas at talaga naman fully set up state of the art sound system. Bass kung bass. Sabay pinaharurot ang sasakyan palabas ng parking lot.

beep beep!!! Busina ng isang mamahalin sasakyan. Color red, silver mags na kotse. sabay tumunog ang cellphone ni lance, may tumatawag.

"Wait lang. Sorry ha. Malapit na ako! Itong mga jeep kasi kung saan saan nagbababa! Bye na nagda-drive ako at baka malow bat pa ako!" Sabay baba ng cellphone ni Lance sa dash board ng sasakayan nya.

Pagdating sa harap ng isang super club ay agad agad naghanap si Lance ng parking space. Bumaba sa sasakyan. Halatang may kaya si Lance. Postura pa lang ay pormang porma na, signatured lahat ng damit.

Malakas ang music at talaga namang nakakaindak. Remix ng isang sikat at pamosong DJ ang tumutugtog kasabay ng musika ang pagsayaw at paglalaro ng mga ilaw. Party! Party! Punong puno ang dance floor at lahat ng tao ay sumasayaw, magkakadikit, halos lapat na lapat na ang mga siko at katawan nilang lahat pero wala pa rin tigil ang pag indayog ng mga katawan nila dahil sa sobrang saya. Ito ang eksena sa sikat na sikat na super club sa The Fort.

dali daling pumasok sa club si Lance. Animoy sabik sumayaw at makainom ng alak.

"Tonton!!!"

Pasigaw na sabi ni Lance habang kinakawayan ang kaibigan na namataan nya malapit lang sa gilid ng dance floor. Si tonton ay isa sa mga mabubuting kaibigan ni Lance, maliit, mataba, pero cute naman.

"Ang tagal mo naman bro!" Sabay apir ni tonton kay Lance.

"Ang dami kong text at miss call sayo ah. Mukhang nalasing ka ng sobra kagabi ah"

"hindi naman. NaTraffic lang tol pasensya na" tugon ni Lance.

Sa may di kalayuan sa likuran ni tonton napatingin si Lance, agad kinuha ang camera at kinuhanan ng picture ang nakita... Isang magandang babae na animo'y dyosa sa puti. Matangkad din at napaka sexy na nakaupo sa may bar.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon